Nagbibigay ang senso ng kritikal na data na maaaring humubog sa iba't ibang aspeto ng iyong buhay. Ginagamit araw-araw ng mga mambabatas, may-ari ng negosyo, guro, at marami pang iba ang data upang magbigay ng mga serbisyo, produkto, at suporta sa iyong komunidad
Tinutukoy ng mga resulta ng senso ang bilang ng mga puwestong mayroon ang bawat estado (state) sa Kongreso, at ginagamit ang mga ito upang iguhit ang mga hangganan para sa mga distrito ng pagboto.
Ang senso ay iniaatas din ng Konstitusyon ng Estados Unidos: Ipinag-uutos ng Artikulo 1, Seksyon 2, na magsagawa ang Estados Unidos ng pagbibilang ng populasyon nitong isang beses bawat 10 taon. Nangyari ang unang pagbibilang noong 1790.
Ang Kawanihan ng Senso ay inaatasan ng batas na protektahan ang iyong mga sagot at panatilihing lubos na kompidensiyal ang mga ito. Sa katunayan, sumusumpa ang bawat empleyado na poprotektahan ang iyong personal na impormasyon nang habambuhay.
Sa ilalim ng Titulo 13 ng Kodigo ng U.S., hindi makapaglalabas ang Kawanihan ng Senso ng anumang makikilalang impormasyon tungkol sa iyo, sa iyong tirahan, o sa iyong negosyo, maging sa mga ahensiyang tagapagpatupad ng batas. Tinitiyak ng batas na protektado ang iyong pribadong data at hindi magagamit ang iyong mga sagot laban sa iyo ng anumang ahensiya ng gobyerno o korte.
Ito ay normal na bahagi ng 2020 Senso. Maaari mong makita ang mga manggagawa ng senso sa iyong lugar para sa ilang magkakaibang dahilan:
Sa Mayo 2020, magsisimulang bumisita ang mga tagapanayam sa mga tirahan na hindi pa nakakasagot sa 2020 Senso para tiyaking lahat ay mabibilang.
Matutulungan mo kami sa pamamagitan ng pagbabahagi ng balita at impormasyon tungkol sa Kawanihan ng Senso sa iyong mga kaibigan, kapamilya, at mga followersa Facebook, Twitter, at Instagram.
Pinapalaganap ng daan-daang korporasyon, nonprofit, tagagawa ng patakaran, at mga indibidwal ang impormasyon tungkol sa 2020 Senso at kung bakit mahalagang sumali rito.
Nagbibigay ang Kawanihan ng Senso ng mga sangguniang pang-edukasyon tungkol sa 2020 Senso upang makatulong sa pagsali ng mga komunidad.