Sign In

NAG-AALOK NG MGA SOLUSYON ANG MAKING HOME AFFORDABLE

Sa nakaraang pitong taon, ang Making Home Affordable (MHA) program ay nakatulong sa mahigit sa 1.8 milyong mga pamilya na makakuha ng mortgage relief at maiwasan ang foreclosure. Simula sa Disyembre 30, 2016, hindi na tatanggap ng mga bagong aplikasyon o mga bagong hiling para sa tulong sa ilalim ng anumang MHA program. Bagama’t ang resource na ito ay hindi na magiging available sa homeowners, makakakuha pa rin ng tulong. Patuloy na mag-aalok ng tulong ang mortgage companies. Kung nahihirapan ka sa pagbayad ng iyong mortgage, hinihikayat kang kontakin mismo ang iyong mortgage company upang malaman kung anu-ano ang mga solusyon.

Kung nahihirapan kang makipagkomunika sa iyong mortgage company, mayroong housing counselors na makakatulong sa iyo nang walang bayad.

Matutulungan ka rin ng housing counselors na maunawaan ang iyong mga opsyon at gumawa ng plano na akma sa iyong indibidwal na sitwasyon; sila ay makakatulong din sa iyo na punan ang mga papeles upang mag-aplay para sa tulong; at sa maraming kaso, maaari rin nila isumite ang aplikasyon para sa iyo. Wala kang babayaran para sa mahalagang tulong na ito na iyong makukuha 24 oras. Ang tulong ay maibibigay sa mahigit sa 170 wika.

Kapag mas maaga kang humingi ng tulong, mas marami kang opsyon na makukuha. Makipag-usap ngayon din sa isang housing counselor, sa iyong wika, tungkol sa iyong partikular na sitwasyon.

Tumawag sa 888-995-HOPE (4673) ngayon din!

Last Updated: 12/31/2016 18:06