Main Content

Plano ng Komunidad at Iba pang

Larawan ng lalaking nagtataas ng kamay sa isang pulong ng bayan

Itanong sa mga lokal na opisyal ang tungkol sa mga planong pangsakuna ng iyong komunidad.

Itanong sa mga lokal na opisyal ang sumusunod na mga katanungan tungkol sa mga planong pangsakuna/pang-emergency ng iyong komunidad.

  • Anu-anong panganib ang mas malamang na maganap?
  • Paano ako makatatnggap ng mga babala?
  • Ano ang payo at plano par sa pagsisilong at paglikas para sa mga panganib na maaaring makaapekto sa komunidad?
  • Mayroon bang mga pang-emergency na numero ng telepono na dapat ay mayroon ako para sa magkakaibang sitwasyon?
  • May mga pagkakataon ba para sa pagtuturo at pagsasanay sa paghahanda?
  • May plano ba ang aking komunidad?
  • Maaari ba akong makakuha ng kopya?
  • Ano ang nilalaman ng plano?
  • Gaano kadalas ina-update ang plano?
  • Ano ang dapat kong malaman tungkol sa planong ito?
  • Anu-anong panganib ang saklaw nito?

Bilang karagdagan sa pagtuklas tungkol sa mga plano ng komunidad, importanteng nalalaman mo kung anu-anong plano ang nakahanda para sa iyong pinagtatrabahuhan, paaralan o day care center ng iyong mga anak, at anumang mga lugar na madalas mong puntahan para sa aliwan, isports, rekreasyon, shopping center at mga simbahan.

Itanong sa iyong pinagtatrabahuhan ang tungkol sa mga polisa ng iyong pinagtatrabahuhan tungkol sa mga sakuna at emergency, kasama na ang pang-unawa sa kung paano kang mabibigyan ng impormasyon sa emergency at babala, at mga plano sa paglikas at pagsilong.

Makipag-ugnayan sa paaralan o day care center ng iyong mga anak at talakayin ang kanilang mga pamamaraan para sa sakuna.