Sa itatagal ng muling pagbangon, importanteng bantayan ang mga lokal na ulat sa radyo at telebisyon at iba pang pinagkukunana ng impormasyon tungkol sa kung saan kukuha ng pabahay, pagkain, first aid, damit, at tulong sa pananalapi.
Direktang Tulong
Ang direktang tulong sa mga indibidwal at mga pamilya ay maaaring magmula sa alinman sa maraming organisasyon, kabilang na ang:
- American Red Cross
- Salvation Army
- Mga lokal na boluntaryong organisasyon
Ang mga organisasyon na ito ay nagbibigay ng pagkain, masisilungan, mga supply at tulong sa paglilinis.
Ang Ginagampanan ng Pamahalaang Pederal
Sa mga pinakamatitinding sakuna, nilalapitan din ang pamahalaang pederal para tumulong sa mga indibidwal at mga pamilya sa pansamantlang pabahay, pagpapapayo (para sa post-disaster trauma), pautang na mababa ang interes at mga kaloob, at iba pang tulong.May mga programa rin ang pamahalaang pederal na tumutulong sa malilit na negosyo at magsasaka.
Karamihan ng tulong pederal ay nagiging handang magamit kapag nagdeklara ang the Presidente ng Estados Unidos ng “Major Disaster” para sa apektadong lugar sa kahilingan ng gobernador ng estado.Magbibigay ang FEMA ng impormasyon sa pamamagitan ng media at community outreach tungkol sa tulong-pederal at kung paanong mag-apply.
Mga Kaloob at Programa sa Pagtulong para sa Mga Indibidwal
Ang mga numero ng Catalog of Federal Disaster Assistance (CFDA) ay ibinibigay para tulungan kang makahanap ng karagdagang impormayon tungkol sa CFDA website.
- Disaster Assistance
nagbibigay ng pera o direktang tulong sa mga indibidwal, pamilya at mga negosyo sa lugar na kung saan ang ari-arian ay napinsala o nawasak at ang mga nawala ay hindi sagot ng insurance. - Crisis Counseling
Nagbibigay ng karagdagang pondo sa mga Estado para sa serbisyo sa panandaliang pagpapayo sa krisis sa mga taong apektado ng sa mga sakunang idineklara ng Presidente. - Disaster Legal Services
Nagbibigay ng libreng legal na tulong sa mga biktima ng sakuna. - Disaster Unemployment Assistance Program
Nagbibigay ng mgabenepisyo sa patrabaho at muling pamamasukan sa mga indibidwal na nawalan ng trabaho dahil sa malalaking sakuna. - National Flood Insurance Program
Nagbibigay-kakayahan sa mga may-ari ng lupain sa mga nakikilahok na komunidad na makabili ng insurance bilang proteksiyon laban sa mga nawala sa baha kapalit ng mga pangangasiwa sa mga regulasyong pang-estado o pangkomunidad na nakababawas sa mga pinsalang mula sa baha sa hinaharap. - Tingnan ang lahat ng kaloob ng FEMA