Tandaan ang mga kakaibang pangangailangan ng mga miyembro ng iyong pamilya kapag binubuo ang iyong emergency supply kit at planong pang-emergency ng pamilya.
Para sa Sanggol:
- Formula
- Mga Diaper
- Mga Bote
- Powdered na gatas
- Mga gamot
- Basang towelette (wipes)
- Ointment para sa diaper rash
Subukang bumuo ng planong pang-emergency para sa iyong mga anak. Tipunin ang mga miyembro ng iyong pamilya para sa maikling pagpupulong, marahil para magmeryenda ng pizza o bago manood ng paboritong pelikula.
Pag-usapan ang mga katanungang nasa Family Emergency Plan (FEP) at bumuo ng lista ng mga solusyon ng iyong pamilya.Humanap ng marami pang impormasyon sa pagpaplano sa www.ready.gov/kids.
Para sa marami pang impormasyon sa kung paanong magpaplano para sa mga sanggol at bata para sa isang emergency, bumisita sa California Department of Public Health.