Skip to content Skip to footer site map

Navigate Up
Sign In
 

 MATUTUNAN ANG TUNGKOL SA PAGPAPA-ABOT-KAYA NG TAHANAN

Ang Programang Pagpapa-abot-kaya ng Tahanan (Making Home Affordable © Program) ng Administrasyong Obama ay ginawa upang matulungan ang  milyon-milyong mga may-ari ng tahanan na i-refinance o baguhin ang kanilang bayad sa mortgage sa lebel na mas abot-kaya. Kung naghahanap ka ng paraan upang gawing mas abot-kaya ang pag-aari ng tahanan, ang Abot-Kayang Tahanan na Refinance (Home Affordable Refinance ) o ang Abot-KayangTahanan na Pagbabago (Home Affordable Modification) ay maaaring makatulong. Sa ibaba ay makikita mo ang impormasyon sa Pagpapa-abot-kaya ng Tahanan sa Tagalog na iyong mada-download at mapi-print.
 

Tandaan na kahit ang ilang impormasyon ay nasa iyong sariling wika, ang mga dokumento na kaugnay ng iyong mortgage na utang ay nasa wikang Ingles. Kung nahihirapan ka sa wikang Ingles, o kailangan ng higit pang impormasyon o tulong, pakitawagan ang 1-888-995-HOPE (4673) upang gumawa ng appointment para makipag-usap sa isang kinatawan sa iyong katutubong wika. 

Mayroon ding mga tagapagpayo ng pamamahay na aprubado ng Kagawaran ng Pamamahay at Pagpapabuti sa Urbanidad (Department of Housing and Urban Development) o HUD ayon sa kanilang mga inisyal sa Ingles na makakatulong sa iyo sa iyong katutubong wika. Isang aprubado ng HUD na tagapagpayo sa pamamahay ang kakausap sa iyo tungkol sa iyong kalagayan at tutulong sa iyo na desisyunan kung anong mga opsyon sa mortgage ang pinakamahusay para sa iyo. Ipapaliwanag sa iyo ng tagapagpayo kung anong mga dokumento ang iyong kailangang ibigay sa iyong kompanya ng mortgage at maaaring makipag-ugnay sa kompanya ng mortgage bilang iyong kinatawan. Ang mga serbisyong ito ay libre.
 
Kung nais mong maghanap ng libreng aprubado ng HUD na tagapagpayo sa inyong lugar, maaari kayong bumisita sa website ng HUD at i-click ang iyong estado. Pakitandaan na ang dulugan na ito ay makukuha lamang sa Ingles, ngunit maari kang makakuha ng tagapagpayo na nagsasalita ng iyong katutubong wika.
 
Mag-ingat sa Mga Pag-sagip ng Pag-ilit na mga Panloloko
  • Ang tulong mula sa isang aprubadong tagapagpayo sa pamamahay na aprubado ng HUD ay LIBRE. Mag-ingat sa sinuman na humihingi sa iyo ng bayad kapalit ang pagpayo o pagbabago ng utang.
  • Mag-ingat sa mga tao na magpipilit na agad kang pumirma ng mga papeles.
  • Huwag ipirma papunta kaninoman ang iyong deed maliban kung direkta kang nakikipag-ugnay sa nagpa-utang sa iyo ng mortgage upang patawarin ang iyong utang.
  • Huwag magbabayad ng iyong mortgage kaninoman maliban sa iyong nagpautang ng mortgage nang walang pahintulot mula sa kanila.
Bookmark and Share
Last Updated: 11/10/2011 9:49 AM