Para sa mga pagkakataong nais mong mag-browse sa stealth mode, nag-aalok ang Google Chrome ng mode ng pagba-browse na incognito. Narito kung paano gumagana ang mode na incognito:
- Hindi maitatala sa mga kasaysayan ng iyong pag-browse at pag-download ang mga webpage na binuksan mo at mga file na na-download mo habang ikaw ay naka-incognito.
- Tatanggalin ang lahat ng bagong cookies pagkasara mo ng lahat ng incognito window na iyong binuksan.
- Palaging sine-save ang mga pagbabagong ginawa sa iyong mga bookmark at pangkalahatang setting sa Google Chrome habang nasa mode na incognito.
Halimbawa, kung nag-sign in ka sa Google Account sa http://www.google.com habang nasa mode na incognito, ang iyong mga kasunod na paghahanap sa web ay itinatala sa iyong Kasaysayan sa Web ng Google. Sa ganitong sitwasyon, upang mapigilang maimbak ang iyong mga paghahanap sa iyong Google Account, kakailanganin mong i-pause ang pagsubaybay sa iyong Kasaysayan sa Web ng Google.