Paano gamitin ang Chrome

Mga tab at window

Isang mas mabilis na paraan upang i-browse ang web. I-install ang Google Chrome

Mode na incognito (mag-browse nang pribado)

Para sa mga pagkakataong nais mong mag-browse sa stealth mode, nag-aalok ang Google Chrome ng mode ng pagba-browse na incognito. Narito kung paano gumagana ang mode na incognito:

  • Hindi maitatala sa mga kasaysayan ng iyong pag-browse at pag-download ang mga webpage na binuksan mo at mga file na na-download mo habang ikaw ay naka-incognito.
  • Tatanggalin ang lahat ng bagong cookies pagkasara mo ng lahat ng incognito window na iyong binuksan.
  • Palaging sine-save ang mga pagbabagong ginawa sa iyong mga bookmark at pangkalahatang setting sa Google Chrome habang nasa mode na incognito.

Tip: Kung gumagamit ka ng Chrome OS, magagamit mo ang tampok na pagba-browse ng bisita bilang isang alternatibo sa mode na incognito. Kapag nagba-browse bilang bisita, maba-browse mo ang web at makakapag-download ka ng mga file tulad ng normal. Sa sandaling umalis ka sa iyong session ng bisita, tuluyuang mabubura ang lahat ng iyong impormasyon ng pagba-browse mula sa session.

Magbukas ng incognito window

  1. I-click ang menu ng Chrome Chrome menu sa browser toolbar.
  2. Piliin ang Bagong incognito window.
  3. Bubukas ang isang bagong window na may icon ng incognito icon ng incognito sa sulok. Makakapagpatuloy ka sa pagba-browse tulad ng normal sa kabilang window.

Magagamit mo rin ang mga keyboard shortcut na Ctrl+Shift+N (Windows, Linux at Chrome OS) at ⌘-Shift-N (Mac) upang magbukas ng incognito window.

Mga user ng Windows 8: Upang magpalipat-lipat sa mga window, i-click ang tagalipat ng window Window switcher sa kanang sulok sa tuktok.

Pinipigilan lang ng pagba-browse sa mode na incognito ang Google Chrome na mag-imbak ng impormasyon tungkol sa mga website na iyong binisita. Ang mga website na binisita mo ay maaaring mayroon pa ring mga tala ng iyong pagbisita. Mananatili pa rin ang anumang mga file na naka-save sa iyong computer o mga mobile device.

Halimbawa, kung nag-sign in ka sa Google Account sa http://www.google.com habang nasa mode na incognito, ang iyong mga kasunod na paghahanap sa web ay itinatala sa iyong Kasaysayan sa Web ng Google. Sa ganitong sitwasyon, upang mapigilang maimbak ang iyong mga paghahanap sa iyong Google Account, kakailanganin mong i-pause ang pagsubaybay sa iyong Kasaysayan sa Web ng Google.

Sa Chrome para sa iOS, dahil sa limitasyon sa platform, parehong ginagamit ng mga tab na regular at incognito* ang lokal na storage ng HTML5, na karaniwang ginagamit ng mga site upang mag-imbak ng mga file sa iyong device (pag-cache sa panig ng client) o upang magbigay ng offline na pagpapagana. Nangangahulugan itong palaging naa-access ng mga parehong site ang data ng mga ito sa storage na ito parehong sa mga tab na regular at incognito*. Pananatilihin pa ring hiwalay ng mga tab na incognito* ang kasaysayan ng pagba-browse at cookies sa mga regular na tab, na kini-clear sa sandaling isara ang mga tab na iyon.

 

Sabihin sa amin ang aming pagganap - Sagutin ang limang maiikling katanungan tunkol sa iyong karanasan sa help center