Paano gamitin ang Chrome

Mga tab at window

Isang mas mabilis na paraan upang i-browse ang web. I-install ang Google Chrome

Gamitin ang pahina ng Bagong Tab

Ang pahina ng Bagong Tab ang makikita mo kung (nahulaan mo) bubuksan mo ang bagong tab sa Google Chrome. Dinisenyo ito upang makatanggap ka ng iyong paboritong apps at site, nang mabilis hangga't maaari. Upang mabuksan ang pahina ng Bagong Tab, i-click ang icon ng button ng bagong tab sa tabi ng huling tab sa tuktok ng window ng browser. Magagamit mo rin ang mga keyboard shortcut na Ctrl+T at (Mac: ⌘-T) upang buksan ang pahina.

Apps

Lumilitaw dito ang mga icon para sa apps na na-install mo mula sa Chrome Web Store. I-click lamang ang icon upang mabuksan ang app.

Kung nag-install ka ng apps sa Google Chrome sa isa pang computer, maaari kang Mag-sign in sa Chrome at paganahin ang pag-sync upang awtomatikong idagdag ang apps na iyon sa pahina ng Bagong Tab sa computer na iyong ginagamit.

Upang baguhin kung paano dapat buksan ang isang app, i-right click ang icon ng app at piliin ang "Buksan bilang regular na tab," "Buksan bilang naka-pin na tab," o "Buksan sa buong screen." Para sa mga karagdagang setting, i-right click ang app at piliin ang "Mga Pagpipilian."

Ilipat ang mga icon ng app

Maaari mong muling ayusin ang mga icon ng app sa pamamagitan ng pag-click at pag-drag sa mga icon sa seksyong "Apps." Maaari karing maglipat ng app, ng webpage, ng pinakamadalas na binibisita, o ng bookmark sa isa pang seksyon ng app sa pamamagitan ng pag-click at pag-drag sa icon at paglipat dito sa label ng seksyon sa ilalim ng pahina.

Maaari ka ring maglipat ng isang app patungo sa isang bagong seksyon. I-click ang isang app at simulang i-drag patungo sa ibaba ng pahina. Lilitaw para sa iyo ang isang bagong blangkong seksyon upang paglagyan mo ng app.

Mag-label ng seksyon

Maaari mong palitan ang pangalan ng isang seksyon sa pamamagitan ng pag-double click sa label at pag-type ng bagong pangalan.

Mag-alis ng app o ng pinakabinibisitang site

Upang i-uninstall ang isang app mula sa Chrome, i-right click ang app at piliin ang Alisin mula sa Chrome. Bilang alternatibo, kapag nag-click at nag-drag ka ng app, lilitaw ang trash can ng "Alisin mula sa Chrome" sa kanang sulok sa ibaba. Ilipat ang app sa button upang i-uninstall.

Upang mag-alis ng pinakabinibisitang site, i-click at i-drag ang thumbnail sa trash can ng "Alisin mula sa Chrome." Bilang alternatibo, maaari mo itong alisin sa pamamagitan ng pag-click sa icon na X sa kanang sulok sa tuktok ng thumbnail.

Pinakabinibisita

Ipinapakita dito ang mga thumbnail ng mga website na pinakamadalas mong binibisita. I-click lang ang thumbnail upang bisitahin ang site.

Mag-navigate sa pagitan ng mga seksyon

Upang mag-navigate sa pagitan ng mga seksyon, i-click ang label ng seksyon sa ibaba ng pahina, o maaari mong i-click ang mga icon na arrow na kaliwa o kanan sa mga gilid ng pahina upang pumunta sa isang seksyon sa kaliwa o kanan.

Iba pang mga device & Kamakailang isinara

  • Kung naka-sign in ka sa Chrome, i-click ang "Iba pang mga device" upang makita ang mga tab na binuksan mo sa iyong mga mobile device o sa iba pang mga computer.
  • I-click ang "Kamakailang isinara" sa ibabang kanan ng pahina upang magpanumbalik ng isinarang tab o window.

Sabihin sa amin ang aming pagganap - Sagutin ang limang maiikling katanungan tunkol sa iyong karanasan sa help center