Paano gamitin ang Chrome

Mga setting ng privacy at seguridad

Isang mas mabilis na paraan upang i-browse ang web. I-install ang Google Chrome

Tanggalin ang iyong cache at iba pang data ng browser

Mayroon kang kontrol sa iyong data mula sa pagba-browse. Kasama sa data na ito ang mga bagay tulad ng iyong kasaysayan ng pagba-browse at pag-download at data sa naka-save na form. Gamitin ang dialog na "I-clear ang data mula sa pagba-browse" upang tanggalin ang lahat ng iyong data o isang bahagi lang ng iyong data, na kinolekta sa isang partikular na yugto ng panahon.

Tanggalin ang lahat ng iyong data

  1. I-click ang menu ng Chrome Chrome menu sa toolbar ng browser.
  2. Piliin ang Mga Tool.
  3. Piliin ang I-clear ang data mula sa pagba-browse.
  4. Sa dialog na lilitaw, piliin ang mga checkbox para sa mga uri ng impormasyon na gusto mong alisin.
  5. Gamitin ang menu sa tuktok upang piliin ang dami ng data na gusto mong tanggalin. Piliin ang mula sa umpisa upang tanggalin lahat.
  6. I-click ang I-clear ang data mula sa pagba-browse.

Magtanggal ng mga partikular na item mula sa iyong data mula sa pagba-browse

Sa halip na tanggalin ang buong mga kategorya ng iyong data mula sa pagba-browse, maaari kang pumili ng mga partikular na item na tatanggalin. I-click ang mga link na ito upang makakakita ng higit pang mga tagubilin.

Mga detalye tungkol sa tinatanggal na data

Nauugnay ang sumusunod na impormasyon sa bawat uri ng data mula sa pagba-browse at naaangkop sa Google Chrome sa Windows, Mac, Linux, at Chrome OS.

  • Kasaysayan ng pagba-browse: Partikular na tinatanggal ng pag-clear ng iyong kasaysayan ng pagba-browse ang sumusunod:
    • Mga web address na iyong binisita mula sa pahina ng Kasaysayan
    • Na-cache na teksto ng mga pahinang iyon
    • Ang mga snapshot ng mga pahinang iyon para sa mga larawang lumilitaw sa pahina ng Bagong Tab
    • Anumang mga IP address na paunang kinuha mula sa mga pahinang iyon
  • Kasaysayan ng pag-download: Kini-clear ang listahan ng mga file na iyong na-download gamit ang Google Chrome, ngunit hindi inaalis mula sa iyong computer ang mga aktwal na file.
  • Cache: Inaalis mula sa iyong computer ang teksto ng mga webpage na iyong binisita sa Google Chrome. Nag-iimbak ang mga browser ng mga elemento ng mga webpage upang mapabilis ang pag-load ng webpage sa iyong susunod na pagbisita.
  • Data ng cookies, site at plug-in:
  • Mga Password: Tinatanggal ang mga tala ng mga username at password. Kung gumagamit ka ng Mac, tinatanggal ang iyong mga tala ng password mula sa Keychain Access.
  • Data ng form: Tatanggalin ang lahat ng iyong mga entry sa autofill at mga record ng teksto na inilagay mo sa mga web form.
  • I-clear ang data at cookies mula sa mga naka-host na app: Buburahin ang data mula sa mga app na idinagdag mo sa Chrome mula sa Chrome Web Store, tulad ng lokal na storage na ginagamit ng Gmail Offline.
  • Huwag pahintulutan ang mga lisensya ng nilalaman: Pipigilan nito ang Flash Player mula sa pag-play ng anumang nakaraang tiningnang pinoprotektahang nilalaman, tulad ng mga pelikula o musika na binili mo. Inirerekomendang alisin ang pahintulot sa mga lisensya ng nilalaman bago ibenta o ipamigay ang iyong computer.

 

Sabihin sa amin ang aming pagganap - Sagutin ang limang maiikling katanungan tunkol sa iyong karanasan sa help center