Isang mas mabilis na paraan upang i-browse ang web. I-install ang Google Chrome

Libutin ang mga tampok ng Chrome

Galugarin ang mga tampok ng Chrome

Magkaroon ng mga tip sa paghahanap gamit ang omnibox, paggawa sa maraming tab, pamamahala sa iyong mga bookmark

Omnibox

Maglagay ng mga termino para sa paghahanap sa omnibox

Ipapakita sa iyo ng Chrome ang mga resulta ng paghahanap mula sa iyong default na search engine. Para sa mas mabilis na paghahanap, gamitin ang tampok na Instant upang makakita ng dynamic na mga resulta habang nagta-type ka.

Maghanap sa iyong mga bookmark at app

Hanapin ang icon na bookmark na at sa menu ng omnibox habang nagta-type ka. Nakita na ang hinahanap mo? Gamitin ang mga arrow key upang piliin ang item at pindutin ang Enter upang buksan ito.

Manatiling nakakabalita sa pamamagitan ng mga alerto sa pahina

Kung may bagay tungkol sa pahina na dapat mong malaman, gaya ng mga na-block na pop-up o isyu sa seguridad , may mga lilitaw na icon sa omnibox upang ipaalam sa iyo.

Tuklasin ang kakayahan ng omnibox

I-click ang kanang arrow upang makita ang Tampok 2: Mga Tab

Mga Tab

Mabilis na makapunta sa iyong mga paboritong site at app

I-click ang button na upang magbukas ng bagong tab, kung saan makakakita ka ng listahan ng mga site na pinakamadalas mong binisita at apps na idinagdag mo mula sa Chrome Web Store.

Muling ayusin ng iyong mga tab nang madali

Mag-drag at mag-drop ng mga tab sa tuktok ng window. Maaari mo ring hilahin pababa ang isang tab at palabas sa isang bagong window. I-right-click at i-pin ang isang tab upang panatilihin ito sa lugar nito.

Magkaroon ng higit pang privacy gamit ang mga incognito window

Kung hindi mo gustong maitala ang mga pagbisita sa website o pag-download sa iyong data mula sa pagba-browse, gamitin ang mode na incognito. Magbukas ng incognito window sa pamamagitan ng menu ng Chrome. Chrome menu.

Tuklasin ang buong potensyal ng pahina ng Bagong Tab

I-click ang pakanang arrow upang makita ang Tampok 3: Mga Bookmark

Mga Bookmark

I-click ang star upang magdagdag ng bookmark

Huwag mag-aksaya ng pagod sa pagkabisa ng mga URL. I-click ang icon na sa omnibox upang idagdag ang pahina sa bookmarks bar. Gamitin ang iyong bagong bookmark upang muling bisitahin ang pahina anumang oras.

Makita ang iyong mga bookmark sa bookmarks bar

Panatilihing naka-dock ang bookmark bar sa ibaba ng omnibox upang madaling ma-access ang iyong mga bookmark. Kung magpasya kang buksan ito, magbukas ng bagong tab o gamitin ang menu ng Chrome Chrome menu upang mahanap ang iyong mga bookmark.

I-import ang iyong mga bookmark

Kung naglagay ka ng mga bookmark sa isa pang browser, i-import ang mga iyon sa Chrome at makita ang mga iyon sa bookmarks bar.

Tuklasin kung paano gumagana ang mga bookmark sa Chrome

Susunod na hakbang: Matutunan kung paano i-personalize at i-set up ang iyong Chrome