Mga Eksperimento

Pangkalahatang-ideya

Ang Mga Pakinabang

Kung mayroon kang website, mayroon kang mga layuning nais mong gawin ng iyong mga bisita-–bumili, mag-sign up para sa isang newsletter, o tumingin ng nilalaman sa isang partikular na pahina. Binibigyang-daan ka ng mga eksperimento na subukan kung gaano kahusay gumagana ang iba't ibang bersyon ng iyong pahina sa paghimok sa iyong mga bisita na gumawa ng mga partikular na layunin. Maaari kang sumubok ng hanggang limang variation ng isang pahina upang malaman kung alin sa mga ito ang nakakahimok ng pinakamaraming conversion.

Ang Mga Eksperimento sa Nilalaman ay isang medyo naiibang diskarte mula sa karaniwang A/ B o multivariate na pagsubok. Ang Mga Eksperimento sa Nilalaman ay mas A/B/N. Hindi ka lang sumusubok ng dalawang bersyon ng isang pahina tulad ng pagsubok na A/ B, at hindi ka sumusubok ng iba't ibang kumbinasyon ng mga bahagi sa iisang pahina tulad ng sa multivariate na pagsubok. Sa halip, sumusubok ka ng hanggang limang buong bersyon ng iisang pahina, na ang bawat isa ay inihahatid sa mga bisita mula sa isang hiwalay na URL.

Ano ang magagawa mo sa Mga Eksperimento sa Nilalaman sa Google Analytics

Sa Mga Eksperimento sa Nilalaman, magagawa mong:

  • Paghambingin kung paano gumaganap ang iba't ibang web page gamit ang isang random na sample ng iyong mga bisita
  • Tukuyin kung anong porsyento ng iyong mga bisita ang kasama sa eksperimento
  • Piliin kung aling layunin ang gusto mong subukan
  • Makakuha ng mga update sa pamamagitan ng email tungkol sa pagganap ng iyong eksperimento (kasalukuyang hindi available)

Isang halimbawa ng paggamit ng mga eksperimento upang mapabuti ang iyong negosyo

Sabihin nating mayroon kang website kung saan nagbebenta ka ng mga serbisyo sa paglilinis ng tahanan. Nag-aalok ka ng karaniwang paglilinis, matinding paglilinis, at mabusising paglilinis. Ang may pinakamalaking kita sa tatlo ay ang mabusising paglilinis, kaya interesado ka sa paghimok sa higit pang mga tao na bilhin ang pagpipiliang ito.

Ang karamihan ng mga bisita ay dumarating sa iyong homepage, kaya ito ang unang pahinang nanaisin mong gamitin para sa pagsubok. Para sa iyong eksperimento, lilikha ka ng ilang bagong bersyon ng web page na ito: isang may malaking pulang ulo ng ad para sa mabusising paglilinis, isa kung saan ipinapaliwanag mo ang mga pakinabang ng mabusising paglilinis, at isa kung saan maglalagay ka ng icon sa tabi ng link upang bumili ng mabusising pagliliinis.

Sa sandaling na-set up mo na at nailunsad ang iyong eksperimento, makikita ng isang random na sample ng iyong mga bisita ang iba't ibang pahina, kabilang ang iyong orihinal na home page, at maghihintay ka lang upang malaman kung aling pahina ang nakakakuha ng pinakamataas na porsyento ng mga bisitang bibili ng mabusising paglilinis.

Kapag nalaman mo kung aling pahina ang nanghihimok ng pinakamaraming conversion, maaaring iyon ang gawin mong live na pahina para sa lahat ng bisita.


Sabihin sa amin ang aming pagganap - Sagutin ang limang maiikling katanungan tunkol sa iyong karanasan sa help center

Para sa mga site at app na gumagamit ng Protocol ng Pagsukat, maaaring naiiba ang ilang impormasyon tungkol sa pagkolekta ng data. Alamin ang higit pa tungkol sa Universal Analytics .