Bakit itinatanong ng mga site ang aking lokasyon?
Maaaring gamitin ng ilang site ang impormasyon tungkol sa lokasyon mo para ma-personalize ang impormasyong ipinapakita nila sa iyo. Halimbawa, kung ibinahagi mo ang lokasyon mo sa site na dalubhasa sa mga restaurant review, maaaring ayusin ng site ang pagpapakita nito at magpakita ng mga review ng mga restaurant na malapit sa iyo. Mayroon kang ganap na kontrol kung ibabahagi mo ang iyong lokasyon sa mga site.
Hindi kailanman ibinabahagi ng Google Chrome ang iyong lokasyon nang wala ang iyong pahintulot. Bilang default, sa tuwing ikaw ay nasa isang site na nais gumamit ng iyong impormasyon sa lokasyon, aalertuhin ka ng Google Chrome sa pamamagitan ng pagpapakita sa iyo ng prompt sa tuktok ng pahina. Ang iyong lokasyon--natutukoy sa pamamagitan ng malalapit na access point at IP address ng iyong computer--ay ipinapadala lang sa site kung iki-click mo ang Payagan sa prompt.
Kung sumasang-ayon kang ibahagi sa site ang iyong lokasyon, lilitaw ang icon ng sa address bar upang paalalahanan kang pinahintulutan mo ang site -- o isang bagay na naka-embed sa site, gaya ng isang mapa -- na i-access ang iyong lokasyon. Upang makakita ng higit pang mga detalye o upang i-clear ang mga pagpapahintulot sa lokasyon para sa site, i-click lang ang icon.
Paganahin o huwag paganahin ang pagbabahagi ng lokasyon
- I-click ang menu ng Chrome
sa browser toolbar.
- Piliin ang Mga Setting.
- I-click ang Ipakita ang mga advanced na setting.
- Sa seksyong "Privacy," i-click ang Mga setting ng nilalaman.
- Sa lilitaw na dialog, mag-scroll pababa papunta sa seksyong "Lokasyon." Piliin ang iyong default na pagpapahintulot para sa mga kahilingan sa lokasyon sa hinaharap:
- Pahintulutan ang lahat ng mga site na subaybayan ang aking aktwal na lokasyon: Piliin ang opsiyong ito upang awtomatikong ma-access ng lahat ng site ang iyong lokasyon.
- Tanungin ako kung sinusubukang subaybayan ng site ang aking aktwal na lokasyon: Piliin ang opsyong ito kung gusto mong alertuhin ka ng Google Chrome tuwing hinihiling ng site ang iyong lokasyon.
- Huwag pahintulutan ang kahit na anong site na subaybayan ang aking aktwal na lokasyon: Piliin ang opsyong ito upang awtomatikong tanggihan ang site na humihiling ng iyong lokasyon
I-click ang Pamahalaan ang mga pagbubukod upang alisin ang mga dating ibinigay na pagpapahintulot para sa mga tukoy na site.
Gumagamit ng Chrome device sa trabaho o paaralan? Maaaring magsagawa ang administrator ng iyong network ng mga setting ng lokasyon para sa iyo, at sa sitwasyong iyon ay hindi mo mababago ang mga ito dito. Matuto tungkol sa paggamit ng pinamamahalaang Chrome device
Paano tinutukoy ng Google Chrome ang iyong lokasyon
Kapag pinahintulutan mo ang Google Chrome na ibahagi ang iyong lokasyon sa isang site, magpapadala ang browser ng lokal na impormasyon ng network sa Mga Serbisyo sa Lokasyon ng Google upang matantya ang iyong lokasyon. Maari nang ibahagi ng browser ang iyong lokasyon sa nagre-request na site. Ang lokal na impormasyon ng network na ginagamit ng Google Location Services para matantiya ang iyong lokasyon ay kinabibilangan ng mga impormasyon tungkol sa mga visible WiFi access point, kabilang na ng lakas ng signal; impormasyon tungkol sa iyong lokal na router; IP address ng iyong computer. Ang ganap na kawastuhan at coverage ng Google Location Services ay nag-iiba-iba ayon sa lokasyon.
Sine-save ng Google Chrome ang impormasyon tungkol sa iyong lokasyon para madali itong makuha muli. Ang impormasyong ito ay paminsan-minsang ina-update; ang dalas ng mga update ay nakasalalay sa mga pagbabago sa impormasyon ng iyong lokal na network.
Kung hindi mo nais na makipag-ugnay ang Google Chrome sa Mga Serbisyo sa Lokasyon ng Google, piliin ang "Huwag payagan ang anumang site na subaybayan ang aking aktwal na lokasyon" bilang iyong default na pagpapahtintulot para sa mga kahilingan sa lokasyon o huwag i-click ang Payagan sa mga prompt ng kahilingan sa lokasyon.
Para sa higit pang impormasyon kung paano pinoprotektahan ang iyong impormasyon, tingnan ang aming Patakaran sa Privacy. Dapat mo ring suriin ang patakaran sa privacy ng isang website bago ibahagi ang iyong lokasyon dito.