2-step na pag-verify

Pangkalahatang-ideya

Pag-setup

Pag-setup ng SMS/Voice

Kakailanganin mo munang i-set up ang numero ng telepono upang makatanggap ng mga code sa pamamagitan ng SMS text message o voice call. Kung mayroon kang smartphone, magagawa mo sa ibang pagkakataon na mag-download ng app na magbibigay-daan sa iyong bumuo ng mga code nang walang mga text message at kahit na walang cell service.

Upang makatanggap ng mga code, dapat kang gumamit ng mobile carrier na sumusuporta sa mga text o automated na voice message mula sa Google. Malalapat ang mga karaniwang rate sa pagpapadala ng mensahe.

Upang i-set up ang 2-step na pag-verify:

  1. Mag-sign in sa iyong Google Account at pumunta sa pahina ng mga setting ng 2-step na pag-verify.
  2. Mula sa drop-down na menu, piliin ang bansa kung saan nakarehistro ang iyong telepono, at ilagay ang numero ng iyong telepono sa kahon.
  3. Piliin kung gusto mong matanggap ang iyong mga code sa pamamagitan ng text o voice call. Maaari mo itong baguhin anumang oras sa ibang pagkakataon.
  4. Ilagay ang numero ng iyong telepono, pagkatapos ay i-click ang Ipadala ang verification code upang makatanggap ng code sa iyong telepono. Inirerekomenda namin sa iyong gumamit ng numero ng mobile phone sa halip ng isang landline o numero sa Google Voice.
  5. Ilagay ang code mula sa text o voice message sa kahon, pagkatapos ay i-click ang I-verify.
  6. Susunod, tatanungin ka kung nais mong tandaan ang computer na iyong ginagamit. Kung lalagyan mo ng check ang kahon, hindi mo kakailanganing maglagay ng code upang mag-sign on sa computer na ito para sa susunod na 30 araw. Huwag mong lagyan ng check ang kahong ito kung gumagamit ka ng pampublikong computer o device na hindi mo regular na ginagamit upang mag-sign in.
  7. I-click ang I-on ang 2-step na pag-verify upang tapusin ang proseso! Awtomatiko kang dadalhin sa pahina ng mga setting ng iyong account.

Pag-install ng Google Authenticator app

Kung nag-set up ka ng 2-step na pag-verify gamit ang SMS text message o Voice call at nais ring magawang bumuo ng mga code gamit ang Android, iPhone o isang Blackberry, magagamit mo ang Google Authenticator app upang makatanggap ng mga code kahit na wala kang koneksyon sa Internet o serbisyo sa mobile.

Upang i-set up ito, kailangan mo munang kumpletuhin ang pag-setup ng SMS/Voice. Pagkatapos, pumunta sa pahina ng mga setting ng 2-step na verify at mag-click sa Android, Blackberry, o iPhone, pagkatapos ay sundin ang mga direksyon para sa uri ng iyong telepono na ipinapaliwanag sa ibaba.

Kung nais mong i-on ang 2-hakbang na pag-verify at nagmamay-ari ng isang smartphone, inirerekumenda naming gamitin mo ang Google Authenticator app -- isang application sa mobile na available sa mga Android device, iPhone, at BlackBerry device -- upang bumuo ng mga verification code. Hindi nangangailangan ang application ng koneksyon sa Internet, serbisyo sa mobile, o isang plan ng data upang bumuo ng mga verification code.

Mga Android device

Mga Kinakailangan

Upang gamitin ang Google Authenticator sa iyong Android device, dapat na mayroon kang bersyon 1.5 o mas bago.

Pag-download ng app

  1. Bisitahin ang Google Play.
  2. Hanapin ang Google Authenticator.
  3. I-download at i-install ang application.

Pag-set up ng app

  1. Kung hindi mo pa nagagawa, kumpletuhin ang pag-setup ng SMS/Voice at ipatala ang iyong account sa 2-step na pag-verify gamit ang numero ng iyong telepono. Maidaragdag mo ang Google Authenticator app pagkatapos mo lamang magpatala gamit ang numero ng iyong telepono.
  2. Sa iyong computer, pumunta sa pahina ng mga setting ng 2-step na pag-verify at mag-click sa Android.
  3. Sa iyong telepono, buksan ang Google Authenticator application.
  4. Pindutin ang icon ng plus.
  5. Upang i-link ang iyong telepono sa iyong account:
    • Paggamit ng QR code: Piliin ang I-scan ang barcode ng account (label 1a). Kung hindi mahanap ng Authenticator app ang scanner app ng barcode sa iyong telepono, maaari kang i-prompt na mag-download at mag-install ng isa. Kung nais mong mag-install ng scanner app ng barcode upang makumpleto mo ang proseso ng pag-setup, pindutin ang I-install (label 2a) pagkatapos ay pumunta sa proseso ng pag-install. Sa sandaling na-install ang app, buksang muli ang Google Authenticator, ituro ang iyong camera sa QR code sa iyong screen ng computer.
    • Paggamit ng sikretong key: Piliin ang Manu-manong magdagdag ng account (label 1b), pagkatapos ay ilagay ang email address ng iyong Google Account sa box sa tabi ng Ilagay ang pangalan ng account (label 2b). Susunod, ilagay ang sikretong key sa iyong screen ng computer sa box sa ilalim ng Ilagay ang key (label 2c). Tiyaking pinili mong gawing Batay sa oras ang key (label 2d) at pindutin ang "I-save."

    Android scan o manu-mano Prompt ng scanner ng barcode ng Android Manu-manong entry ng Android
  6. Upang subukan na gumagana ang application, ilagay ang verification code sa iyong telepono (label 3) sa box sa iyong computer sa tabi ng Code, pagkatapos ay i-click ang "I-verify."

    Verification code ng Android
  7. Kung tama ang iyong code, makakakita ka ng mensahe ng pagkumpirma. I-click ang "I-save" upang ipagpatuloy ang proseso ng pag-setup. Kung hindi tama ang iyong code, subukang bumuo ng bagong verification code sa iyong telepono, pagkatapos ay ilagay ito sa iyong computer. Kung nagkakaproblema ka pa rin, maaaring naisin mong i-verify na tama ang oras sa iyong telepono bagong window o magbasa tungkol sa mga karaniwang isyu.

iPhone, iPod Touch, o iPad

Mga Kinakailangan

Upang gamitin ang Google Authenticator sa iyong iPhone, iPod Touch, o iPad, dapat na mayroon kang iOS 3.1.3 o mas bago. Bilang karagdagan, upang i-set up ang app sa iyong iPhone gamit ang QR code, dapat na mayroon kang 3G model o mas bago.

Pag-download ng app

  1. Bisitahin ang App Store.
  2. Hanapin ang Google Authenticator.
  3. I-download at i-install ang application.

Pag-set up ng app

  1. Kung hindi mo pa nagagawa, kumpletuhin ang pag-setup ng SMS/Voice at ipatala ang iyong account sa 2-step na pag-verify gamit ang numero ng iyong telepono. Maidaragdag mo ang Google Authenticator app pagkatapos mo lamang magpatala gamit ang numero ng iyong telepono.
  2. Sa iyong computer, pumunta sa pahina ng mga setting ng 2-step na verify at mag-click sa iPhone.
  3. Sa iyong telepono, buksan ang Google Authenticator application.
  4. Tapikin ang plus na icon.
  5. Tapikin ang Batay sa Oras (label 1).
  6. Upang i-link ang iyong telepono sa iyong account:
    • Paggamit ng QR code: Tapikin ang "I-scan ang Barcode" (label 2a) at pagkatapos ay ituro ang iyong camera sa QR code sa iyong screen ng computer.
    • Paggamit ng sikretong key: Sa kahon sa tabi ng Account (label 2b), ilagay ang email address ng iyong Google Account. Pagkatapos, ilagay ang sikretong key sa iyong screen ng computer sa kahon sa tabi ng Key (label 2c) at tapikin ang "Tapos na" (label 2d).

    Entry ng key ng iPhone
  7. Upang subukan na gumagana ang application, ilagay ang verification code sa iyong telepono (label 3) sa kahon sa iyong computer sa tabi ng Code, pagkatapos ay i-click ang "I-verify." Ang icon ng orasan sa iyong telepono (label 4) ay magpapaalam sa iyo kung ilang oras ang natitira bago mag-expire ang verification code at binubuo ang isang bago.


  8. Verification code ng iPhone
  9. Kung tama ang iyong code, makakakita ka ng mensahe ng pagkumpirma. I-click ang "I-save" upang kumpirmahin. Kung hindi tama ang iyong code, subukang bumuo ng bagong verification code sa iyong telepono, pagkatapos ay ilagay ito sa iyong computer.. Kung nagkakaproblema ka pa rin, maaaring naisin mong i-verify na tama ang oras sa iyong telepono bagong window o magbasa tungkol sa mga karaniwang isyu.

Mga BlackBerry device

Mga Kinakailangan

Upang gamitin ang Google Authenticator sa iyong BlackBerry device, dapat na mayroon kang OS 4.5-6.0. Bilang karagdagan, tiyaking na-configure ang iyong BlackBerry device para sa Ingles sa US -- maaaring hindi mo magawang i-download ang Google Authenticator kung gumagana sa isa pang wika ang iyong device.

Pag-download ng app

Kinakailangan mo ng access sa Internet sa iyong BlackBerry upang i-download ang Google Authenticator.

  1. Buksan ang web browser sa iyong BlackBerry.
  2. Bumisita http://m.google.com/authenticator
  3. I-download at i-install ang application.

Pag-set up ng app

  1. Kung hindi mo pa nagagawa, kumpletuhin ang pag-setup ng SMS/Voice at ipatala ang iyong account sa 2-step na pag-verify gamit ang numero ng iyong telepono. Maidaragdag mo ang Google Authenticator app pagkatapos mo lamang magpatala gamit ang numero ng iyong telepono.
  2. Sa iyong computer, pumunta sa pahina ng mga setting ng 2-step na pag-verify new window at mag-click sa Blackberry.
  3. Upang i-link ang iyong telepono sa iyong account, buksan ang menu ng Authenticator app at piliin ang Manu-manong entry ng key (label 1).

    Pagpipilian ng key ng Blackberry
  4. Ilagay ang email address ng iyong Google Account sa ibaba ng "Ilagay ang pangalan ng account" (label 2).

    Manu-manong entry ng key ng Blackberry
  5. Ilagay ang sikretong key sa iyong screen ng computer sa tabi ng "Ilagay ang key" (label 3), piliin ang Batay sa oras mula sa drop-down na menu (label 4) at pindutin ang I-save (label 5).
  6. Upang subukan na gumagana ang application, ilagay ang verification code sa iyong telepono (label 5) sa kahon sa iyong computer sa tabi ng Code, pagkatapos ay i-click ang "I-verify."

    Verification code ng Blackberry
  7. Kung tama ang iyong code, makakakita ka ng mensahe ng pagkumpirma. I-click ang "I-save" upang ipagpatuloy ang proseso ng pag-setup. Kung hindi tama ang iyong code, subukang bumuo ng bagong verification code sa iyong telepono, pagkatapos ay ilagay ito sa iyong computer. Kung nagkakaproblema ka pa rin, maaaring naisin mong i-verify na tama ang oras sa iyong telepono bagong window o magbasa tungkol sa mga karaniwang isyu.