Regular ka bang nakikigamit ng computer sa iyong pamilya o mga kaibigan? Nais mo bang ihiwalay ang iyong mga bookmark, tema, at setting mula sa iba pa? Makakapagdagdag ka ng mga bagong user sa Chrome upang hayaan ang lahat na magkaroon ng sarili nilang mga personalized na kopya ng Chrome sa parehong computer.
Magdagdag ng bagong user
- I-click ang menu ng Chrome
sa browser toolbar at piliin ang Mga Setting.
- Sa seksyong “Mga User,” i-click ang Magdagdag ng bagong user.
- May lilitaw na dialog sa pagkumpirma, pumili ng larawan at maglagay ng pangalan para sa bagong user ng Chrome.
- I-click ang Likhain.
- May lilitaw na bagong window para sa user, na may kasamang larawang napili mo para sa user sa sulok sa tuktok. Dito, maaari kang mag-sign in sa Chrome gamit ang isang Google Account upang i-ugnay ang account sa user. Sa sandaling nakapag-sign in na, isi-sync sa account ang lahat ng bookmark, apps, extension, tema at setting ng browser para sa user. Matuto nang higit pa tungkol sa pag-sign in sa Chrome
Kung gusto mo, mapipili mo ring laktawan ang hakbang na ito at huwag mag-sign in. Sa computer mo na lang mase-save ang mga setting para sa user.
Mga user ng mga Chrome device: Hindi ka maaaring lumikha ng maraming user gamit ang mga hakbang sa itaas. Sa halip, kakailanganin mong magdagdag ng mga account sa device.
Nilalayon ang kakayahang magdagdag ng maraming user sa Chrome upang makapagbigay ng mabilis at simpleng paraan ng pag-set up ng mga personalized na kopya para sa mga taong pareho nang gumagamit sa Chrome sa parehong computer ngayon. Hindi ito nilayon upang i-secure ang iyong data laban sa iba pang taong gumagamit ng iyong computer. Upang totoong protektahan ang iyong data na makita ng iba, pakigamit ang mga built-in na user account sa operating system na iyong pinipili.
Mag-edit ng user
Kung mayroon kang maraming user na nauugnay sa Chrome, mapipili mo ang label at icon na nauugnay sa isang partikular na user. Tandaan: Hindi available ang mga setting na ito kung mayroon ka lang isang user na nauugnay sa browser. Ma-e-edit mo lang ang kasalukuyang user.
- I-click ang icon sa tuktok na sulok ng iyong window at piliin ang user na nais mong i-edit.
- May lilitaw na window para sa user na iyong napili. Sa window na iyon, i-click ang menu ng Chrome
sa browser toolbar.
- Piliin ang Mga Setting.
- Sa seksyong “Mga User,” piliin ang user na gusto mong i-edit.
- I-click ang I-edit.
- Sa lilitaw na dialog na “I-edit ang user,” makakapili ka ng bagong pangalan at icon para sa iyong user.
- I-click ang OK upang i-save ang iyong mga pagbabago.
Magtanggal ng user
Mga user ng Mac at Linux na may mga naka-save na password
Sundin ang mga hakbang sa ibaba upang alisin ang iyong mga naka-save na password mula sa iyong password manager, gaya ng Keychain. Kung lalaktawan mo ang hakbang na ito, ang iyong mga naka-save na password ay mananatili sa password manager kahit pagkatapos tanggalin ang user at maaaring ma-access ng iba pang mga user.
- Sa seksyong "Mag-sign in," i-click ang Idiskonekta ang iyong Google Account.
- Sa seksyong "Mga Password," i-click ang Pamahalaan ang mga naka-save na password.
- Mag-hover sa mga password at i-click ang X upang alisin ang mga password.
- Buksan ang window ng user na nais mong tanggalin.
Lagyan ng check ang icon sa sulok sa tuktok upang matiyak na nasa tamang user ka.
- I-click ang menu ng Chrome
sa browser toolbar.
- Piliin ang Mga Setting.
- Sa seksyong “Mga User,” piliin ang user na nais mong tanggalin.
- I-click ang Tanggalin. Maaari mo ding i-click ang icon na X sa kanan ng user.
- Sa lilitaw na dialog sa pagkumpirma, i-click ang Tanggalin.
Kapag tinanggal mo ang isang user, mabubura ang lahat ng data na nauugnay sa user. Hindi na mababawi ang pagkilos na ito.
Lumipat sa isa pang user
I-click ang icon sa sulok sa tuktok ng window o pindutin ang Ctrl+Shift+M (Mac: ⌘-Shift-M) upang piliin ang user. Walang lilitaw na icon kung iisa lang ang user na nauugnay sa browser.
Mga user ng Mac: Maaari kang lumipat sa isa pang user sa pamamagitan ng pag-right-click sa icon ng Chrome sa Dock at pumili ng ibang user. Maaari din(g), i-click mo ang Users sa menu bar upang lumipat sa isa pang user.