Mga tab at window

Isang mas mabilis na paraan upang i-browse ang web. I-install ang Google Chrome

Mga shortcut sa keyboard at mouse

Mga keyboard shortcut sa Windows

Mga shortcut sa tab at window

Ctrl+N Nagbubukas ng bagong window.
Ctrl+T Nagbubukas ng bagong tab.
Ctrl+Shift+N Nagbubukas ng bagong window sa mode na incognito.
Pindutin ang Ctrl+O, pagkatapos ay pumili ng file. Nagbubukas ng file mula sa iyong computer sa Google Chrome.
Pindutin ang Ctrl at mag-click ng link. O kaya naman, mag-click ng link gamit ang gitnang button ng iyong mouse (o mousewheel). Binubuksan ang link sa bagong tab sa background.
Pindutin ang Ctrl+Shift at mag-click ng link. O kaya naman, pindutin ang Shift at mag-click ng link gamit ang gitnang button ng iyong mouse (o mousewheel). Bubuksan ang link sa isang bagong tab at lilipat sa kabubukas lang na tab.
Pindutin ang Shift at mag-click ng link. Binubuksan ang link sa bagong window.
Ctrl+Shift+T Muling binubuksan ang huling tab na iyong isinara. Tinatandaan ng Google Chrome ang huling 10 tab na iyong isinara.
Mag-drag ng link sa tab. Bubuksan ang link sa tab.
Mag-drag ng link sa isang blankong bahagi sa strip ng tab. Bubuksan ang link sa bagong tab.
Mag-drag ng tab palabas ng strip ng tab. Bubuksan ang tab sa bagong window.
Mag-drag ng tab palabas ng strip ng tab at sa umiiral nang window. Binubuksan ang tab sa umiiral na window.
Pindutin ang Esc habang nagda-drag ng tab. Ibinabalik ang tab sa orihinal nitong posisyon.
Ctrl+1 hanggang Ctrl+8 Lumilipat sa tab sa tinukoy na numero ng posisyon sa strip ng tab.
Ctrl+9 Lumilipat sa huling tab.
Ctrl+Tab o Ctrl+PgDown Lumilipat sa susunod na tab.
Ctrl+Shift+Tab o Ctrl+PgUp Lumilipat sa nakaraang tab.
Alt+F4 o Ctrl + Shift + W Isinasara ang kasalukuyang window.
Ctrl+W o Ctrl+F4 Isinasara ang kasalukuyang tab o pop-up.
Mag-click ng tab gamit ang gitnang pindutan ng iyong mouse (o mousewheel). Isasara ang tab na iyong na-click.
Mag-right-click, o i-click at pindutin nang matagal ang alinman sa Pabalik o Pasulong na arrow sa toolbar ng browser. Ipinapakita ang iyong kasaysayan ng pagba-browse sa tab.
Pindutin ang Backspace, o Alt at kaliwang arrow nang sabay-sabay. Pumupunta sa nakaraang pahina sa iyong kasaysayan ng pagba-browse para sa tab.
Pindutin ang Shift+Backspace, o Alt at ang kanang arrow nang sabay-sabay. Pumupunta sa susunod na pahina sa iyong kasaysayan ng pagba-browse para sa tab.
Pindutin ang Ctrl at i-click ang alinman sa Back arrow, Forward arrow, o Go button sa toolbar. O kaya, i-click ang alinmang pindutan gamit ang gitnang pindutan ng iyong mouse (o mousewheel). Binubuksan ang patutunguhan ng button sa bagong tab sa background.
I-double-click ang blangkong lugar sa strip ng tab. Mina-maximize o mini-minimize ang window.
Alt+Home Bubuksan ang iyong homepage sa iyong nakabukas na window.

Mga shortcut ng tampok ng Google Chrome

Alt+F o Alt+E o F10 Binubuksan ang menu ng Chrome Chrome menu, na nagbibigay-daan sa iyong i-customize at kontrolin ang mga setting sa Google Chrome.
Ctrl+Shift+B Nagta-toggle-on at off sa bar ng mga bookmark.
Ctrl+H Binubuksan ang pahina ng Kasaysayan.
Ctrl+J Binubuksan ang pahina ng Mga Download.
Shift+Esc Binubuksan ang Task Manager.
Shift+Alt+T I-set ang focus ng unang tool sa browser toolbar. Maari mo ding gamitin ang mga sumusunod na shortcut upang magpalipat-lipat sa toolbar:
  • Pindutin ang Tab, Shift+Tab, Home, End, right arrow, at left arrow upang ilipat ang focus sa iba't ibang mga item sa toolbar.
  • I-press ang Space oEnter upang mapagana ang mga button ng toolbar kasama na ang mga action ng pahina at browser.
  • Pindutin ang Shift+F10 upang palabasin ang anumang nauugnay na menu ng konteksto (hal. kasaysayan ng pagba-browse para sa button na Bumalik).
  • Pindutin ang Esc upang ibalik ang pagtuon mula sa toolbar pabalik sa pahina.
F6 o Shift+F6 Inililipat ang pagtuon sa susunod na pane na naa-access ng keyboard. Kasama sa mga pane ang:
  • Hina-highlight ang URL sa address bar
  • Bookmarks bar (kung nakikita)
  • Ang pangunahing nilalaman ng web (kasama ang anomang mga infobar)
  • Bar ng mga download (kung nakikita)
Ctrl+Shift+J Binubuksan ang Mga Tool para sa Developer.
Ctrl+Shift+Delete Binubuksan ang dialog na I-clear ang Data mula sa Pagba-browse.
F1 Binubuksan ang Help Center sa bagong tab (paborito namin).
Ctrl+Shift+M Magpalipat-lipat sa maraming user.

Mga shortcut sa address bar

Gamitin ang sumusunod na mga shortcut sa address bar:

Mag-type ng termino para sa paghahanap, pagkatapos ay pindutin ang Enter. Nagsasagawa ng paghahanap gamit ang iyong default na search engine.
Mag-type ng keyword sa search engine, pindutin ang Space, mag-type ng termino para sa paghahanap, at pindutin ang Enter. Nagsasagawa ng paghahanap gamit ang search engine na nauugnay sa keyword.
Magsimulang mag-type ng isang search engine URL, pindutin ang Tab kapag sinenyasan, mag-type ng isang termino sa paghahanap, at pindutin ang Enter. Nagsasagawa ng paghahanap gamit ang search engine na nauugnay sa URL.
Ctrl+Enter Idinaragdag ang www. at .com sa iyong input sa address bar at binubuksan ang magiging resultang URL.
I-type ang URL, pagkatapos ay pindutin ang Alt+Enter. Binubuksan ang URL sa bagong tab.
Ctrl+L o Alt+D Hina-highlight ang URL.
Ctrl+K o Ctrl+E Naglalagay ng '?' sa address bar. Mag-type ng termino para sa paghahanap pagkatapos ng tandang pananong upang magsagawa ng paghahanap gamit ang iyong default na search engine.
Pindutin ang Ctrl at ang kaliwang arrow nang magkasabay. Inililipat ang iyong cursor sa nauunang mahalagang termino sa address bar
Pindutin ang Ctrl at ang right arrow nang sabay. Inililipat ang iyong cursor sa susunod na mahalagang termino sa address bar
Ctrl+Backspace Tinatanggal ang mahalagang terminong nauuna sa iyong cursor sa address bar
Pumili ng entry sa drop-down menu ng address bar gamit ang iyong mga keyboard arrow, pagkatapos ay pindutin angShift+Delete. Tinatanggal ang entry mula sa iyong kasaysayan ng pagba-browse, kung maaari.
Mag-click ng entry sa drop-down menu ng address bar gamit ang gitnang pindutan ng iyong mouse (o mousewheel). Bubuksan ang entry sa bagong tab sa background.
Pindutin ang Page Up o Page Down kapag nakikita ang drop-down menu ng address bar. Pinipili ang una o huling entry sa drop-down na menu.

Mga shortcut sa webpage

Ctrl+P Pini-print ang iyong kasalukuyang pahina.
Ctrl+S Sine-save ang iyong kasalukuyang pahina.
F5 o Ctrl+R Nire-reload ang iyong kasalukuyang pahina.
Esc Ihihinto ang pag-load ng iyong nakabukas na pahina.
Ctrl+F Binubuksan ang bar sa paghahanap.
Ctrl+G o F3 Hinahanap ang susunod na tugma para sa iyong input sa bar sa paghahanap.
Ctrl+Shift+G, Shift+F3, o Shift+Enter Hinahanap ang naunang tugma para sa iyong input sa bar sa paghahanap.
I-click ang gitnang pindutan ng mouse (o mousewheel). Isinasaaktibo ang auto-scrolling. Habang ginagalaw mo ang iyong mouse, awtomatikong nagso-scroll ang pahina patungo sa direksyon ng mouse.
Ctrl+F5 o Shift+F5 Nire-reload ang iyong nakabukas na pahina, binabalewala ang naka-cache na nilalaman.
Pindutin ang Alt at mag-click sa isang link. Dina-download ang target ng link.
Ctrl+U Binubuksan ang pinagmulan ng iyong kasalukuyang pahina.
Mag-drag ng link sa bookmarks bar Sine-save ang link bilang bookmark.
Ctrl+D Sine-save ang iyong kasalukuyang webpage bilang bookmark.
Ctrl+Shift+D Sine-save ang lahat ng mga bukas na pahina bilang mga bookmark sa bagong folder.
F11 Binubuksan ang iyong pahina sa full-screen mode. Pinduting muli ang F11 upang lumabas sa full-screen.
Ctrl at +, o pindutin ang Ctrl at i-scroll pataas ang iyong mousewheel. Pinapalaki ang lahat ng nasa pahina.
Ctrl at , o pindutin ang Ctrl at i-scroll pababa ang iyong mousewheel. Pinapaliit ang lahat ng nasa pahina.
Ctrl+0 Ibinabalik sa normal na laki ang lahat ng nasa pahina.
Space bar Sino-scroll pababa ang web page.
Home Pupunta sa tuktok ng pahina.
End Pumupunta sa ibaba ng pahina.
Pindutin ang Shift at i-scroll ang iyong mousewheel. Pahalang na nag-ii-scroll sa pahina.

Mga shortcut sa teksto

Ctrl+C Kinokopya ang naka-highlight na nilalaman sa clipboard.
Ctrl+V o Shift+Insert Ipine-paste ang nilalaman mula sa clipboard.
Ctrl+Shift+V Ipine-paste ang nilalaman mula sa clipboard nang hindi pino-format.
Ctrl+X o Shift+Delete Tinatanggal ang naka-highlight na nilalaman at kinokopya ito sa clipboard.

Sabihin sa amin ang aming pagganap - Sagutin ang limang maiikling katanungan tunkol sa iyong karanasan sa help center