Skip Navigation.

Naghahanap ng Impormasyon Laban sa Pandaigdig na Terorismo

Buod ng Programa


Ang Rewards for Justice program ay patuloy pa ring isa sa pinakamahalagang asset ng Pamahalaan ng Estados Unidos. Itinatag ng 1984 Act to Combat International Terrorism (Batas para Labanan ang Pandaigdig na Terorismo), Public Law 98-533, ang Programa ay pinamamahalaan ng Bureau of Diplomatic Security ng U.S. Department of State.

Alinsunod sa programang ito, ang Secretary of State ay pwedeng magpahintulot ng mga gantimpala para sa impormasyon na magbibigay daan sa pag-aresto o paghatol ng may-sala sa sinumang nagbabalak, gumagawa, o nagtatangka ng mga gawang terorismo laban sa mga mamamayan o mga pag-aari ng Estados Unidos, na hahadlang na mangyari sa umpisa pa lang ang ganitong mga gawain, na magbibigay daang mahanap ang isang importanteng lider ng mga terorista, o na magpapahinto sa pagtutustos sa terorismo.

Ang Secretary ay may pahintulot na magbayad ng mga gantimpalang higit sa $25 milyon kung pagpasiyahan niyang kinakailangan ang mas malaking halaga para labanan ang terorismo o para protektahan ang Estados Unidos laban sa mga gawang terorismo.

Magmula sa pagsisimula ng Rewards for Justice program noong 1984, ang Pamahalaan ng Estados Unidos ay nagkaloob ng higit sa $100 milyon sa higit sa 60 tao na nagbigay ng mapananaligang impormasyon na nagresulta sa pagkakulong sa mga terorista o sa paghadlang sa mga gawang pandaigdig na terorismo sa iba’t ibang bansa. Malaki ang naitulong ng programa sa pag-aresto sa teroristang si Ramzi Yousef, na nahatulang may-sala sa pagbobomba ng World Trade Center noong 1993.

Bagaman ang batas na sumasakop sa Rewards for Justice program ay nakatuon sa terorismo laban sa mga Amerikano, ang Estados Unidos ay nagbibigay ng impormasyon sa ibang mga bansa na may mga mamamayan na nanganganib ang buhay. Ang bawa’t pamahalaan at mamamayan ay may tungkulin na iharap sa husgado ang mga terorista at hadlangan ang mga gawang terorismo