Skip Navigation.

Naghahanap ng Impormasyon Laban sa Pandaigdig na Terorismo

Wanted
Wali Ur Rehman
Hanggang $5 Milyong Gantimpala


Lugar ng Kapanganakan : South Waziristan, Pakistan
Buhok : Itim
Mata : Brown
Kulay ng balat : Kayumanggi
Kasarian : Lalaki
Nasyonalidad : Pakistani
Mga Katangian : May balbas, bigote
Kalagayan : Patay

Si Wali Ur Rehman ang second in command at chief military strategist ng Tehrik-e-Taliban Pakistan (TTP). Siya ang namamahala sa mga miyembro ng TTP. Kasangkot siya sa mga pag-atake sa Afghanistan laban sa mga militar ng Estados Unidos at ng NATO, at wanted siya kaugnay sa kanyang pagkakasangkot sa pagpatay sa pitong Amerikano noong Disyembre 30, 2009 sa Forward Operating Base Chapman sa Khost, Afghanistan.

Ang pangunahing layunin ng TTP ay piliting paalisin ang mga pangkat na kawal ng Pakistan sa FATA ng Pakistan, na nasa border ng Pakistan at Afghanistan, palayasin sa Pakistan ang mga Western interest, at magtatag ng Sharia – o batas ng Islam -- sa tribal territories.

Ang TTP ay sinasabing nasangkot o inaming sila ang may kagagawan, ng maraming ginawang kapinsalaan, kabilang ang pagbomba sa Marriott Hotel sa Islamabad noong Septiyembre 2008, na nagresulta sa pagkamatay ng higit sa 50 tao at sa pagkasugat ng 300, kabilang ang mangilan-ngilang Amerikano. Itong mga pag-atake ay malimit na isinasaayos na kasama ang mga iba pang insurekto o mga pangkat ng terorista, kabilang ang Taliban at al-Qaeda.

Patuloy pa rin ang TTP sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga pag-atake mula sa FATA laban sa mga interes ng Estados Unidos. Sa kamakailan lang, inamin ng TTP na sila ang may kagagawan ng nabigong pagbomba ng Times Square sa New York City noong Mayo 1, 2010.

Click here to listen to a Public Service Announcement about this terrorist