Statistics
Employment and Training
Regulatory and Compliance
Resources
Guam Workforce Investment Board
One Stop Partners
|
Q & A For Employer (Tagalog Version) |
|
|
|
KAALAMAN TUNGKOL SA SEGURO NG SAHOD NG MANGGAGAWA ( For the Employer)
A. Anu-ano ang mga pakinabang sa segguro ng sahod ng manggagawa? Ang mga pakinabangsa seguro ng sahod ng manggagawa ay marami. Narito ang ilan sa mahahalaga: 1. Kung ang manggagawa ay nagkaroon ng sakuna o namatay habang nagtatra- baho, ang Employer ay ipagsasanggalang sa anumang usapin o sakdal na idudulog ng manggagawa, kinatawang pambatas, asawa, o sinumang maaring may karapatan na kumuha ng mga bayad-pinsala, sa batas mula sa Employer dahil sa sakuna o pagkamatay. 2. Alam ng Employer sa simula pa lamang kung magkano ang halagang aabutin at ang balak na gugulin sa loob ng isang taon. 3. Ang pagkakaseguro ng sahod ng manggagawa ay magpapababa ng magastos na usapin at magbibigay ng madalian, magaan at hindi magastos na paraan sa pag- babayad ng pasahod, kahit sinuman ang may pagkakamali.
4. Ang sahod ng manggagawa ay isang makatarungan at tamang paraan ng pagpa- pasiya ng pasahod, batay sa bayad at kapinsalaan ng sakuna.
5. Madaliang pagpapagamot ay ibibigay sa manggagawang nasaktan sa sakuna kung kinakailangan.
6. Ang Employer ay nagpahalili ng kanyang pananagutan sa tagapagdala ng seguro na tinitiyak ang sagutin, at maliban sa bahaging ‘L’ ng pamphlet naito, nagtiwalag ng kanyang tungkulin.
B. Sino ang kailangang tumupad na kasama ng Guam Worker’s Compensation? Bawa’t tao , samahan, kapisanan o korporasyon na maipagpatuloy ang anu- mang trabaho, ng hindi isinasaalang-alang ang bilang ng mga manggagawa, maliban sa di-pirmihang manggagawa na nagtatrabaho hindi sa hangaring pangkalakalan o pangnegosyo ng Employer.
C. Mayroon bang multa sa hindi pagsunod sa batas ng Worker’s Compensation?
Oo! Ang Employer na binigyan ng babala sa paglabag ng batas o nabigong kunin ang nasabing sahod (compensation) ay pananagutin ng maliit ssna kasalanan at sa oras ng hatol ay maaring parusahan na magmulta ng hindi hihigit sa $1,000 o pagkakabilanggo na hindi hihigit sa isang taon o kaya ay pareho.
D. Paano sumusunod ang Employer sa batas ng Worker’s Compensation?
Mayroon lamang dalawang (2) paraan sa pagtupad ng batas naito:
a. Sa pagseseguro at pinanatiling nakaseguro ang bayad ng naturang sahod kasama ang alin man sa korporasyon o damayang kapisanan na may kapangyarihan mula sa Commission na mangasiwa ng negosyo ng seguro ng Worker’s Compensation sa Guam.
b. Sa pagkuha at pinanatiling mabisa ang pananagutan ng seguro kasama ng ano mang kompanya na may kapangyarihan mula sa Commission na gumawa ng naturang negosyo sa Guam.
E. Anong tanging paraan sa pagsunod ang kalimitang ginaggamit?
Karamihan sa mga Employer ay bumibili ng Worker”s Compensation Policy sa mga kompanya ng segurp na kanilang mapili. Bawa”t Employer na nakakasunod sa batas ng Worker’s Compensation ay dapat na ipaskil sa lantad na pook, ang babala ng naturang katuparan na ayon sa anyo na iniatas ng WCC. Ang anyo o porma naito ay ilalathala ng WCC sa oras ng paghahan- dog ng mga Current Worker’s Compensation Policy Coverage Card.
F. Ang mga manggagawa bang part-time ay itinuturing na manggagawang makapagpapasiya ng pananagutan ng Employer sa ilalim ng batas?
Oo. Tulad ng nag-aaral na manggagawa at sinumang miyembro ng pamilya ng Employer na nagtatrabaho ng full-time or part-time.
G. Ang mga di-pirmihang manggagawa ay itinuturing bang manggagawa at may karapatan ba sa mga kabutihan ng batas?
Oo, maliban kung ang kanilang pagtatrabaho ay kapuwa di-pirmihan (casual) at hindi daan sa kalakal, negosyo, propisyon o gawain ng Employer. Ang pangangalaga, pagkukumpuni, pagpipintaa, paglilinis at iba pang katulad ay nasa daan ng pagnenegosyo dahil ang negosyo ay kayang magpatuloy kung wala sila, at dahil sa sila ay maasahan, karaniwan palakad at likas na bahagi sa pagsasagawa ng anumang proyekto.
H. Ang panlahat na kontratista ba ay malamang na magbayad ng sahod sa mga manggagawa ng lahat ng Subcontractors?
Oo, liban sa mga manggagawa ng subcontractor na kumuha ng bayad sa kanyang kapakanan. Ang subcontractor ang hindi sakop sa ilalim ng seguro ng panlahat na Contractor maliban kung tinitiyak na nakasaad sa may lagdang polisa (policy) o maliwanag na ipinaiintindi ng kompanya ng seguro at segurado. Ang subcontractor ay hindi mananagot sa kabayaran ng sahodd ng mga manggagawa ng ibang subcontractor na nasa gayundin kontrata ng trabaho at hindi nakakubli (protected) ng piling kondisyon tungkol sa pananagutanng batas mula sa usapin na nagpapaliwanag ng kapinsalaan hanggang sa manggagawa ng ibang subcontractor.
I . Mayroon bang pamalit na seguro para sa Worker’s Compensation?
Tiyak na walang PAMALIT NA SEGURO sa Worker’s Compensation?
J. Anong mangyayari sa Employer na may pananagutan sa Worker’s Compen- sation at nabigong sumunod sa batas?
1. Sa oras na mahatulan, siya ay magmumulta ng hindi hihigit sa $1,000 pagkakabilanggo ng hindi hihigit sa isang (1) taon , o pareho.
2. Ang may kapinsalaang manggagawa, o ang kanyang legal na kinatawan kung sakaling kamatayan ang kinalabsan ng kapinsalaan, maarri ihabla siya o sa bayad-pinsala sa ranggo (admiralty) at hindi siya maaring magtanggol ng nasabing usapin sa kapinsalaan na bunga ng kapabayaan ng kapuwa utusan, ni kapinsalaang dahil sa kapabayaan din ng mangga-gawa.
3. Maari ipag-utos na siya ay magbayad ng sahod ayon sa kondisyon ng batas ng Worker’s Compensation kung ang may pinsalang manggagawa o ang kanyang kinatawang legal , kung sakaling namatay bunga ng kapinsalaan , pinili na hingin ang sahod sa halip na dalhin ang usapin sa batas para sa kapinsalaan.
K. Ang mga ulat ba tungkol sa sakuna ay kailangan ba ng batas?
Oo. Ang Employer ay dapat magbigay ng ulat ng sakuna sa kanyang tagapagdala ng seguro at sa tanggapan ng Worker’s Compensation sa loob ng sampung (10) araw na malaman ang sakuna, kahit ang manggagawa ay hindi nawalan ng anumang oras sa trabaho o hindi tumanggap kaagad ng paggaamot.
L. Mayroon bang parusa sa hindi pagbibigay ng ulat ngsakuna?
Oo. Sinumang Employer o tagapagdala ng seguro na hindi magbigay o tumangging magpadala ng ulat na kinakailangan sa kanila ng batas ng Worker’s Compensation sa loob ng sampung (10) araw na malaman ang nasabing sakuna ay mapapailalim sa parusang sibil ng hindi hihigit sa $500 sa bawa’t pagtanggi o hindi pagbibigay.
M Paano ipinapasiya ang hulog sa seguro ng Worker’s Compensation?
Ang hulog ay ipinapasiya sa pamamagitan ng pag-aaplay sa bayad na pang- piligro na may pahintulot ng Insurance Commissioner ayon sa uri ng negosyo na nakaseguro sa halaga ng pantaunang pasahod ng Employer.
N. Maari bang ang mga manggagawa ay tasahan (assess) sa anumang bahagi ng hulog (sa seguro).
Hindi. Sa ilalim ng anumang dahilan ng kalagayan.
O. Anu-anong sakuna ng manggagawa ang maaring masaklaw (cover)?
Ang batas na sumasaklaw sa lahat ng sakuna at karamdamang nanggagaling sa trabaho o mangyayari habang nasa trabaho, kung ang sakit o pagkahawa ay likas o hindi maiiwasang kalalabsan mula sa nasabing sakuna , at ang kamatayan ay nagmula rito. Walang sahod na kailangang bayaran, gayon man kung ang sakuna ay naging tanging dahilan ng pagkalasing ng manggagawa o sa kanyang sadyang hangarin na saktan o patayin ang sarili o may ibang dahilan.
P. Ano ang pananagutan ng Employer sa pagpapagamot (medical treatment )?
Ang Employer ay dapat magkaloob sa may pinsalang manggagawa ng lunas, pag-aalaga, at pagtingin sa ilalim ng pamamahala ng manggagamot, siru – hano (surgeon) o iba pang kilalang propesyonal , nars o ospital, ayon sa klase ng kapinsalaan o paraan ng paggaling na kinakailangan, kabilang ang mga gamut, saklay, artipisyal na paa o bisig, at iba pang kasangkapan (apparatus).
Q. Anong maangyayari kung ang Employer ay makaligtaang magbigay ng Medical Care?
Kung makaligtaan ng Employer na magbigay ng Medical Care pagkatapos humiling o makaligtaan ibigay pagkatapos malaman ang sakuna, ang may kapinsalaang manggagawa ay maaring kumuha ng Medical Treatment at ang gastos ay sagutin ng Employer. R. Kailan maaring bayaran ang sahod?
Walang sahod ang pinaoayagan sa unang tatlong (3) araw ng mawalan ng lakas, maliban ang kawalan-lakas (disability) ay higit sa 14 na araw o ang katotohanan at ang petsa ng kawalan-lakas ay pinatutuhanan ng katibayan mula sa manggagamot, sa ganoon ang sahod ay pinapayagan mula sa umpisa ng kawalan ng lakas. Ang manggagawa ay may karapatan sa medical benefits mula sa oras ng sakuna. Ang unang hulog ay dapat bayaran sa ika-14 na araw pagkatapos malaman ang sakuna o kamatayan , at mga kasunod na hulog ay maaring bayaran ng lingguhan, bawa’t dalawang linggo, o bawa’t kalahati ng buwan pagkatapos noon o sa sandaling ipag-utos ng Commissioner.
S. Mayroon bang parusa kung maantala (delay)?
Oo. Kung ang alinmang hulog ng sahod na dapat bayaran na walang ipinag- kaloob ay hindi binayaran sa loob ng 14 na araw pagkatapos naito ay dapat ng bayaran, mayroon magiging dagdag sa nasabing hulog na halagang katumbas ng sampong (10) porsiyento pagdaka - maliban kung ang Employer ay nagharap (file) ng babala na labanan ang karapatan sa saahod, o maliban sa kung pagka-antala ay pinahihintulutan ng WCC sa dahilang hindi kayang iwasan ng Eemployer.
T Ang mga bayad ba sa sahod ay kaugnay ng Average Weekly Wage (AWW)?
Oo. Ang lingguhan hulog sa porsiyentong 66-2/3 sa AWW ng mangagawa sa halagang pinakamataas, $250 (mabisa sa sakuna na naganap bago o pag- katapos ng 12/30/89).
T. Sino ang gumagawa ng disisyon sa pinagtatalunang paghahabol?
Ang disisyon ay ginagawa ng Commissioner sa pamamagitan ng pagpapalabas ng COMPENSATION ORDER. Kapag ang disisyon ay tinutulan, ang pormal paglilitis (formal hearing) ay maaring hilingin sa Commission. Kung ang disisyon ay pinagtalunan, ang atas (injunction) ay isususpende o ibukod, ang kabuuan o bahagi lamang, ang pagpapatupad ng disisyon ay dapat na itatag (instituted) ng Superior Court of Guam bago matapos ang ika-30 araw pagkatapos na ang disisyon ay maiharap sa tanggapan ng Commisioner.
Kung Mayroon Kayong Mga Tanong:
Sumulat sa : P.O.Box 9970, Tamuning, Guam 96931 Pumuntaa sa: GCIC Buildingg, Suite 205 Tumawag sa: (671) 475-7033/34 Mag-FAX sa: (671) 475-7026 dba, 12/15/06`
|
|