Your browser does not appear to support Javascript, please update your browser or contact your system administrator to enable Javascript on your Internet browser. Thank you. Programa para sa Madaling Paggamit sa ibang Wika — U.S. Election Assistance Commission
Skip to content

U.S. Election Assistance Commission

Personal tools
You are here: Home Translation Tagalog Programa para sa Madaling Paggamit sa ibang Wika
Document Actions

Programa para sa Madaling Paggamit sa ibang Wika

Tagalog - Language Accessibility Program Page

Programa para sa Madaling Paggamit sa ibang Wika
 
 
Glossary of Key Election Terminology (Talahulugan ng mga Pangunahing Terminolohiya sa Halalan)
 
  • English – Tagalog
  • Tagalog - English
 
Ginawa ang programang ito ayon sa mga tuntunin ng HAVA upang pag-aralan at itaguyod ang mga pamamaraan upang matiyak ang kadalian sa pamamaraan sa pagboto, rehistrasyon, mga botohan, at mga kagamitan sa pagboboto para sa lahat ng mga botante, kasama na ang mga mamamayan na Katutubong American Indian at Katutubong Taga-Alaska at mga botante na may limitadong kaalaman sa wikang Ingles. Ang mga kondisyon na ito ay nagbibigay din ng tungkulin sa EAC na suriin ang teknikal na posibilidad ng pagkakaloob ng mga kagamitan sa pagboto sa walo o higit pang mga wika para sa mga botante na nagsasalita ng mga wikang iyon at doon sa mga may limitadong kaalaman sa wikang Ingles.

Ang Programa para sa Madaling Paggamit sa ibang Wika ay kinabibilangan ng mga pangkat na sinasaklawan ng mga pang-lokal na opisyal ng halalan, mga nagtatanggol na pangkat, at organisasyon sa pananaliksik at patakarang pampubliko upang payuhan ang EAC kung ano ang pinakamahusay na paraan upang matugunan ang mga kahilingan sa wika. Kasama sa mga aktibidad sa hinaharap ang pagsasalin ng Pambansang Dokumento para sa Rehistrasyon ng Botanteng Maghuhulog ng Balota sa Koreo (National Mail Voter Registration Form) sa limang Asyatikong wika at ang pagpapahusay ng mga pangkat upang matugunan ang mga pangangailangang pang-halalan ng mga katutubong American Indian at Taga-Alaska.

Upang humiling ng nakalimbag o elektronik na kopya ng talahulugan o para sa mga katanungan tungkol sa Programa, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa EAC sa 866-747-1471 (libreng toll) o sa pamamagitan ng e-mail sa HAVAinfo@eac.gov.