Your browser does not appear to support Javascript, please update your browser or contact your system administrator to enable Javascript on your Internet browser. Thank you. Help America Vote Act — U.S. Election Assistance Commission
Skip to content

U.S. Election Assistance Commission

Personal tools
You are here: Home Translation Tagalog Help America Vote Act
Document Actions

Help America Vote Act

Tagalog - Help America Vote Act

Ang Help America Vote Act (HAVA) ng 2002 ay napatibayan ng Kongreso ng Estados Unidos upang gumawa ng mga makabuluhang pagbabago sa pamamaraan ng pagboto ng bansa. Ang HAVA ay tumutugon sa mga pagpapaunlad sa sistema ng pagboboto at pamamaraan ng paggamit para sa mga botante na natiyak matapos ang halalan ng 2000.
 
Gumagawa ang HAVA ng mga bagong kautusan para sa minimum na pamantayan para sa mga estado upang masundan sa mga pangunahing lugar ng pangangasiwa ng halalan. Nagkakaloob ang batas ng pondo upang tulungan ang mga estado na matugunan ang mga bagong pamantayan na ito, na palitan ang mga sistema ng pagboto at pahusayin ang pangangasiwa sa halalan. Itinatag din ng HAVA ang  Election Assistance Commission (EAC) ng Estados Unidos upang tumulong sa mga estado hinggil sa pagsunod ng HAVA at ipamahagi ang mga pondo ng HAVA sa mga estado. May pananagutan din ang EAC sa paglikha ng mga patnubay sa sistema ng pagboto at pamamahala sa unang programa ng sertipikasyon sa sistema ng pagboto ng pamahalaang pederal.
 
Hinihiling ng HAVA na ipatupad ng mga estado ang mga sumusunod na bagong programa at pamamaraan:
 
·         Pansamantalang Pagboto
·         Impormasyon sa Pagboto
·         Na-update at Napaunlad na Kagamitan sa Pagboto
·         Mga Database ng Rehistrasyon ng mga Botante sa Buong Estado
·         Mga Pamamaraan ng Pagkakakilanlan ng Botante
·         Mga Pamamaraan ng Pagtutol na Nauukol sa Pangangasiwa