Maligayang Pagdating sa U.S. Election Assistance Commission
Tagalog - Welcome page
Maligayang Pagdating sa U.S. Election Assistance Commission
Ang U.S. Election Assistance Commission (EAC) ay isang independyente at bipartisanong komisyon na binuo ng Help America Vote Act (HAVA) ng 2002.
Ipinapatupad ng EAC ang mga sumusunod na tungkulin sa ilalim ng HAVA:
· Ipinapatibay at pinanatili ang mga voluntary voting system guidelines
· Pinangangasiwaan ang unang programa sa voting system certification ng pamahalaang pederal
· Nagsisilbi bilang isang national clearinghouse ng impormasyon tungkol sa pangangasiwa ng halalan
· Pinapaunlad at nagkakaloob ng mga pinakamahusay na pamamaraan at resources sa mga opisyal ng halalan hinggil sa pangangasiwa ng halalan
· Pinananatili ang national mail voter registration form na ginawa ayon sa National Voter Registration Act of 1993.
Ang Komisyon ay binubuo ng apat na mga komisyoner na nominado ng Pangulo at pinatibayan ng Senado. Ang mga komisyoner ay maaari lamang maglingkod nang hanggang dalawang magkasunod na termino at hindi maaaring humigit sa dalawang komisyoner ang maaaring makabilang sa magkaparehong partidong pulitikal. Bilang karagdagan, ay itinatatag ng HAVA ang Lupon na namamahala at nagpapatupad ng mga pamantayan sa pagboto at ang Lupon ng mga Tagapayo upang bigyang-gabay ang EAC. Itinatag din ng batas ang Komite para sa Pagpapahusay ng Technical na mga Patnubay upang matulungan ang EAC sa pagpapaunlad ng voluntary voting system guidelines.
Hinihiling din ng HAVA mula sa EAC na mag-sumite ng isang taunang ulat sa Kongreso, at pati na rin ang pana-panahong pagpapahayag tungkol sa pagsulong ng HAVA at mga kaugnay na isyu. Ang komisyon ay mayroon din panunungkulan para sa mga pampublikong pagpupulong at pandinig upang mabigyan ng impormasyon ang publiko tungkol sa progreso nito at mga aktibidad.