Layon Ang mga impormasyon na nakasaad sa flyer na ito ay nagbabalita sa mga natuklasan ng mga taong nanaliksik sa kanilang katatapos na pagsusuri ng hanging panloob sa mga travel trailer at ibinibigay na mobile home ng Ahensya ng Federal Emergency Management (FEMA) sa inyong komunidad. Maaaring may interes kayo sa mga pagsusuring ito habang naghahanap kayo ng permanenteng matitirahan. Karanasan Noong Disyembre 2007 at ngayong Enero 2008, ang Sentro para sa Pagpipigil at Paghahadlang ng Karamdaman (CDC) ay nagsuri para mapag-alaman ang mga pantayin ng formaldehyde sa hanging panloob sa mga travel trailer, park models at ibinibigay na mobile home ng Ahensya ng Federal Emergency Management (FEMA) sa mga taong nawalan ng tirahan dahil sa Hurricanes Katrina at Rita sa Lousiana at Mississippi. Na-analisa ng CDC sa mga datos mula sa mga pagsusuri at may mga natuklasan pinsalang naidudulot sa kalusugan ng mga nakatira sa mga bininibigay na mga mobile home at trailer ng FEMA sa dalawang lugar na ito. Ang mga natuklasan ng CDC ay para lamang sa dalawang lugar na ito kung saan isinagawa ang pagsusuri, kahit mayroon ding mga residente na naninirahan sa mga ibinigay na travel trailers ng FEMA, park models at mobile homes sa ilang lugar sa buong bansa. Nag-aalok ang FEMA ng libreng panloob na pagsusuri para sa formaldehyde sa sinumang residente upang kayo ay mas magkaroon ng impormasyon tungkol sa inyong kalusugan at tirahan. Ano ang napag-alaman ng CDC? Ang mga natuklasan ay para lamang sa mga ibinigay na travel trailers at mobile homes ng FEMA sa Lousiana at Mississipi. • Sa karamihan ng mga trailer, mobile home at mga park model na sinuri, ang mga pantayin ng formaldehyde ay matataas. Ang pantayin ng formaldehyde ay higit na mas mataas kaysa sa karaniwang hanging panloob sa mga tirahan sa Amerika. • Ang katamtamang pantayin ng formaldehyde sa lahat ng mga travel trailer at mobile home ay may angkop na 77 na sangkap o bahagi sa bawa’t libong angaw (ppb). Ang paghinga ng ganitong kataas na pantayin ng formaldehyde sa kurso ng mahabang panahon ay makaaaapekto sa kalusugan. • Maaaring mas mataas ang pantayin ng formaldehyde sa mga makabagong trailer at mobile home, kapag mainit ang panahon. • Nagkakaiba ang pantayin ng formaldehyde sa mobile home, park home, at mga travel trailer, ngunit napag­alaman na sa lahat ng klaseng trailer at mobile home na sinusuri, may mga ilan na may mataas na pantayin ng formaldehyde. CDC is a federal public health agency under the U.S. Department of Health and Human Services. Ano ang ibig sabihin nito para sa aking pamilya? Ang mga ibinigay na travel trailer ng FEMA ay para lamang sa pansamantala, at emergency na tirahan. Dapat na sumubok ang mga nakatira sa trailer at home mobiles na makalipat sa permanenteng tirahan. Ang mga pamilyang nakatira sa trailer na may kasamang mga bata, matatanda o mga taong mayroon ng sakit gaya ng hika ay dapat maunang ilipat. • Ang mga pamilyang nakatira sa mga travel trailer at mga mobile home ay pinagpapayuhang higit na magpalipas ng oras sa labas para makalanghap ng sariwang hangin. Ito ay kinakailangan lalo na ang mga pamilyang may kasamang bata, matatanda, o miyembrong may mahirap ng lunasan na sakit tulad ng hika. • Parating buksan ang mga bintana para pumasok ang sariwang hangin. • Kung maaari ay panatilihing mababa ang temperatura sa loob ng travel trailer at mga mobile home. • Huwag manigarilyo lalo na kung nasa loob ng bahay. • Kumunsulta sa isang doktor o bihasa sa medikal kung may iba-pang nararamdaman sa kalusugan. Saan ako makahihingi ng tulong? Para matulungan kayo sa pagpapasya tungkol sa inyong kalusugan at tirahan, nag-aalok ang FEMA ng libreng panloob na pagsusuri sa hangin para sa pantayin ng formaldehyde sa sinumang residente na nabigyan ng FEMA ng travel trailer o mobile home . Para mabasa ang ulat, pumunta sa http://www.cdc.gov/Features/FEMAtrailersFindings. CDC is a federal public health agency under the U.S. Department of Health and Human Services.