Sa pakikitungo ng West Nile Virus,
and pinakamabisang paraan ay hadlangan at iwasang
mahawaan nito. Ang pag-iwas ng kagat ng lamok ay
nakakabawas ng peligro na makakuha ng sakit na ito
at ng iba pang sakit na dinadala ng lamok. Sundin
ang sentido komun na mga paraan na nakalista sa ibaba
para mabawasan ang iyong peligro na mahawa ng sakit
na ito:
• Iwasan ang kagat at sakit;
• Alisin ang mga lamok sa mga lugar na ikaw ay nagtatrabaho
o naglalaro;
• Tulungan ang iyong komunidad na hadlangan and sakit.
|
Magkaroon ng dobleng protection:
magsuot ng mahabang manggas sa oras at panahon na
ang mga lamok ay malakas nangangagat, at mag-spray
ng repellent na may DEET sa iyong sinusuot na damit. |
|
|
Isang
bagay na dapat tandaan: Ang pagkakataon na ang isang
tao ay magkasakit na resulta ng isang kagat ng lamok
ay mababa. Ang pagkakataon na magkasakit ng malubha at
mamatay ay mas mataas para sa mga taong mahigit sa 50
ang edad, bagaman ang tao na kahit anong edad ay pwedeng
magkasakit nito. |
|
|
|
|
|
Iwasan
ang Kagat ng Lamok |
Maglagay
ng Insect Repellent na Naglalaman ng DEET
(Hanapin
ang: N, N-diethyl-metatoluamide) sa nakahantad na balat kapag
lumalabas. Kahit na ang sandaling pag-upo sa labas ay maaaring
sapat na para makagat ka ng lamok. Para sa mga detalye tungkol
sa kung kailan at kung paano ilalagay ang repellent, tingnan
ang pahina sa Insect Repellent
Use and Safety sa pahina ng
Questions and Answers. Tingnan din sa Using
Insect Repellent.
|
Safety na galing sa EPA. |
Ang Damit
ay Makakatulong na Bawasan ang mga Kagat ng Lamok
Tuwing magagawa, magsuot ng mahahabang manggas,
mahahabang pantalon at medias kapag lumalabas. Ang mga lamok
ay maaaring kumagat nang lampas sa manipis na damit, kaya
ang pagwisik sa mga damit na naglalaman ng permethrin o DEET
ay magbibigay ng dagdag na proteksyon. Huwag gagamitin ang
mga repellent na naglalaman ng permethrin nang deretso sa
balat. Huwag magwiwisik ng repellent na naglalaman ng DEET
sa iyong balat sa ilalim ng iyong damit. |
|
|
Alamin
ang mga Oras na Maraming Lamok
Ang mga oras na mula sa pagpasok ng dilim hanggang madaling-araw
ay mga oras na maraming lamok na nangangagat. Isaalang-alang
ang pag-gamit ng repellent at pagsuot ng nakakaprotekto na
mga damit sa gabi at madaling araw – o isaalang-alang
ang pag-iwas ng mga gawaing panglabas sa mga panahong ito. |
|
|
Lagyan
ang Iyong Bahay ng Hadlang sa Lamok |
Itapon ang tubig na hindi gumagalaw sa paligid ng
iyong bahay. |
Itapon
ang Tubig na Hindi Gumagalaw
Ang mga lamok ay nangingitlog sa tubig na hindi gumagalaw.
Limitahan ang bilang ng mga lugar sa paligid ng iyong
bahay na ang mga lamok ay makakapagparami sa pamamagitan
ng pag-aalis sa mga bagay na natitigilan ng tubig.
Kailangan ng mga halimbawa? Kumuha ng karagdagang kaalaman
sa pahina ng Questions
and Answers tungkol sa Prevention
of West Nile Virus. |
|
|
Magkabit o Magkumpuni ng mga Screen.
May
mga lamok na gustong pumasok sa loob ng bahay. Panatilihin
ang mga ito sa labas sa pamamagitan ng mga screen na angkop
na nakakabit sa mga bintana at pinto. Mag-alok na tulungan
ang mga kapitbahay na ayusin ang mga screen na maaaring hindi
matatag. |
|
Tulungan
ang Iyong Komunidad |
Iulat ang mga Patay na Ibon sa mga Lokal na Awtoridad.
Ang mga patay na ibon
ay maaaring isang palatandaan na ang West Nile virus ay palipat-lipat
sa mga ibon at sa mga lamok sa isang lugar. Higit sa 130
na klase ng mga ibon ay alam na nahawaan ng West Nile
virus, bagaman hindi lahat ng nahawaang ibon ay mamamatay.
Importante
na tandaan na ang mga ibon ay namamatay din sa mga dahilan
na hindi West Nile virus.
Sa pamamagitan ng pag-uulat sa mga patay na ibon sa kagawaran
ng kalusugan ng estado at lokal na kagawaran ng kalusugan,
ang publiko ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagsubaybay
sa West Nile virus. Dahil ang mga ahensiya ng estado at
mga lokal na ahensiya ay may magkakaibang patakaran sa
pagkulekta at pagsusuri ng mga ibon tingnan ang mga Link
sa pahina ng mga Site ng Estado at Lokal na Pamahalaan upang makakuha ng impormasyon tungkol sa pag-uulat ng mga
patay na ibon sa inyong lugar: Tingnan ang pahinang ito
para sa pag-uulat ng mga patay na ibon at kung ano ang
gagawin sa mga patay na katawan nito.
|
|
|
Mga Programang Paghadlang ng Lamok.
Itanong sa mga lokal na awtoridad ng kalusugan upang
malaman kung may organisadong programa sa pagkontrol ng
lamok sa inyong lugar. Kung wala, makipag-ugnayan sa inyong
mga lokal na opisyal ng pamahalaan upang bumuo ng isang
programa. Ang American
Mosquito Control Association ay
makakapagbigay ng payo, at ang kanilang librong Organization
for Mosquito Control ay kapaki-pakinabang na sanggunian.
May mga tanong pa tungkol sa pagkontrol ng lamok? Ang isang
pinagkukunan ng impormasyon tungkol sa mga pestisidyo at
repellent ay ang National
Pesticide Information Center na nagpapatakbo rin ng isang walang-bayad na linyang pang-impormasyon:
1-800-858-7378 (tingnan ang kanilang Web site para sa mga
oras).
|
|
|
Maglinis
Ang mga lugar na pinagbibinhian ng lamok ay maaring
lahat ng lugar. Ang mga araw ng paglilinis sa kapitbahayan
ay magagawang organisahin ng mga organisasyong sibiko at
kabataan upang pulutin ang mga sisidlan mula sa mga bakanteng
lote, parke, at himukin ang mga tao na panatilihin and kanilang
mga looban na walang nakatigil na tubig. Hindi pinapansin
ng mga lamok ang mga bakod, kaya ang pagkontrolar ng mga
lugar na pinagbibinhian kahit saan sa kapitbahayan ay mahalaga. |
|
|
Kumuha ng iba pang kaalaman tungkol sa mga lokal na pagsisikap.
Kumuha ng impormasyon ng estado at lokal na pamahalaan
tungkol sa West Nile virus at mga kontak sa mga Link sa pahina
ng mga Site ng Estado at Lokal na Pamahalaan. |