Skip directly to: content | left navigation | search

Mga Payo Tungkol sa Paghuhugas ng Kamay

  • PDF
  • 日本語 | Português | English | Deutsch | Itliano | Español | Français

  • Ang Isang Pinakamahalagang magagawa ng isang pasahero sa barko para iwasang kumalat ang Norovirus (virus na parang Norwalk) ay ang madalas at wastong paghuhugas ng kamay.
    • Hugasan ang inyong mga kamay pagkatapos:
      • Gamitin ang kasilyas
      • Umubo o bumahin sa mga kamay
      • Ng mga gawain na maaaring nahawaan ng sakit ang mga kamay
    • Hugasan ang mga kamay bago:
      • Humawak ng pagkain
      • Kumain o uminom
      • Manigarilyo
      • Magsipilyo
      • Ang mga gawain na nahihipo ng kamay ang bibig
    • Hugasan ang inyong mga kamay bago bumalik sa inyong kamarote.
    • Madalas hugasan ang inyong mga kamay sa buong araw kahit na sa palagay ninyo ay hindi kinakailangang hugasan ang mga ito.

  • Hugasan ang inyong mga kamay at sundin ng mga sumusunod na paraan:
  • 1. Basain ang mga kamay ng maligamgam na tubig.
  • 2. Sabunin nang husto at nang mabuti ang mga kamay.
  • 3. Kuskusin ang mga kamay nang 20 segundo lalo na ang mga pagitan ng mga daliri at sa ilalim ng mga kuko.
  • 4. Banlawan nang mabuti ang mga kamay sa maligamgam na tubig.
  • 5. Punasan ang mga kamay ng tuwalyang papel.
  • 6. Gamitin ang tuwalyang papel sa pagsasara ng gripo at sa pagbubukas ng pinto.