Mga Payo Tungkol sa Paghuhugas ng Kamay
-
日本語 |
Português |
English | Deutsch
| Itliano | Español | Français
- Ang Isang Pinakamahalagang magagawa ng isang pasahero sa barko para iwasang kumalat ang Norovirus (virus na parang Norwalk) ay ang madalas at wastong paghuhugas ng kamay.
- Hugasan ang inyong mga kamay pagkatapos:
- Gamitin ang kasilyas
- Umubo o bumahin sa mga kamay
- Ng mga gawain na maaaring nahawaan ng sakit ang mga kamay
- Hugasan ang mga kamay bago:
- Humawak ng pagkain
- Kumain o uminom
- Manigarilyo
- Magsipilyo
- Ang mga gawain na nahihipo ng kamay ang bibig
- Hugasan ang inyong mga kamay bago bumalik sa inyong kamarote.
- Madalas hugasan ang inyong mga kamay sa buong araw kahit na sa palagay ninyo ay hindi kinakailangang hugasan ang mga ito.
- Hugasan ang inyong mga kamay at sundin ng mga sumusunod na paraan:
- 1. Basain ang mga kamay ng maligamgam na tubig.
- 2. Sabunin nang husto at nang mabuti ang mga kamay.
- 3. Kuskusin ang mga kamay nang 20 segundo lalo na ang mga pagitan ng mga daliri at sa ilalim ng mga kuko.
- 4. Banlawan nang mabuti ang mga kamay sa maligamgam na tubig.
- 5. Punasan ang mga kamay ng tuwalyang papel.
- 6. Gamitin ang tuwalyang papel sa pagsasara ng gripo at sa pagbubukas ng pinto.